Regine Velasquez at Vice Ganda, magsasanib-puwersa sa Valentine concert

by PEP Troika
Nov 4, 2018

JERRY OLEA: Magsasanib-puwersa sina Regine Velasquez at Vice Ganda sa Valentine concert sa Pebrero 15 at 16, 2019 sa Araneta Coliseum.

 IMAGE Jerry Olea / Mark Atienza

“Two years in the making na talaga ‘yan,” sabi ni Asia’s Songbird nang mainterbyu namin nitong Nobyembre 4, Linggo ng hapon, sa 81 SeiHai restaurant, Timog Av., QC.

Continue reading below ↓

“Matagal na talaga. But because we’re from different networks... made it very hard to... you know, put it together.

“Like, yung mga past collaboration ko, if you notice, hindi naipapalabas sa TV. Sayang! Sayang!” napapangiwing bulalas ni Regine.

“Kasi nga, lahat sila, taga-ABS! Ako lang ang taga-GMA that time. Sabi ko, ‘Ang hirap naman...’

“'Tapos, noong... I’ve been wanting to work with Vice, parang it was getting harder and harder to ano, para mangyari, alam mo yun?

“And... e, ganun talaga! Ganun talaga yun, e! So, ako... talagang in-accept ko na lang na it was never gonna happen.

“The project would never gonna happen.

"But now, since I’m already a Kapamilya, there are many possibilities na."

Sila ni Vice ang magka-Valentine sa Pebrero 2019?

Napangiti si Regine, “Yeah. 'Ika nga niya, iiwan ko muna raw ang dyowa kong si Ogie Alcasid, at iiwan din niya ‘yung dyowa niya...”

Sino?! Sino ang dyowa ni Vice? Nakilala na niya? Nakaharap na niya?

Continue reading below ↓

“Hindi ko alam!” tugon ni Reg as if clueless.

“Iniisip ko rin! At kami raw muna sa Valentine!”

NOEL FERRER: Exciting iyan!

Sa Gandang Gabi Vice, ramdam ni Vice ang pagkanta ni Regine ng "Kung Maibabalik Ko Lang," "Babalik Kang Muli," "Dadalhin," at "Tanging Ikaw."

Siguradong pagsasaluhan nila ang mga kantang iyan sa Valentine concert nila.

Teka! Usually, sina Cacai Mitra at Anna Puno ang magkasosyo sa pagpoprodyus ng Valentine concert na kasama si Regine.

Ngayong lumipat na si Songbird sa ABS-CBN, sino na ang producer ng Valentine concert niya?

Star Music at Star Events na? Hindi malayo.

O co-prod na ito ng Star at ng management ni Regine?

Exciting times ahead really sa concert scene!

GORGY RULA: Sa mga concert ni Regine, bukod sa pagbirit, siya rin ang komedyante.

Iba ang timing niya sa pagpapatawa sa live performance.

Iyan ang wala sa ibang divas, di ba?

Dadagdagan pa ngayon ni Vice Ganda. Kaya tingin ko diyan, tawanan lang nang tawanan ang audience.

Continue reading below ↓

Challenge ito kay Regine na tapatan ang pagpapatawa ni Vice, at challenge din kay Vice na makipagbiritan sa Asia’s Songbird.

Sabi ni Regine, pagbabalik niya ito sa Araneta dahil matagal ding sa MOA Arena ginaganap ang major concerts niya.

First time din daw itong magtu-two-night concert si Vice sa Araneta.

“Keri na iyan!” sabi ng Unkabogable Star.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results