Tribute para kay Rico J. Puno, namumutiktik sa ABS-CBN at GMA-7

by PEP Troika
Nov 5, 2018

JERRY OLEA: Napaiyak si Tosca Puno sa tribute ng It’s Showtime sa ama niyang si Rico J. Puno noong Nobyembre 2, Biyernes.

 IMAGE Screen cap from It's Showtime

“I was watching at home. I’m so thankful sa Showtime, kasi sobra pong... ang ganda po ng ginawa ng Showtime,” nakangiting lahad ni Tosca.

Continue reading below ↓

Nakausap namin ang anak ni Rico J. noong Nobyembre 3, Sabado ng gabi, sa Santuario de San Antonio, Forbes Park, Makati City.

Ikinatuwa rin ni Tosca na kasama ang kanyang kapatid na si Rox sa ginawang tribute ng It's Showtime.

“Thankful din ako na they invited my brother. I’m sure, Papa is very happy. Thank you. Ambait po nila.

“It was really beautiful!”

Continue reading below ↓
 IMAGE Jerry Olea / Screen cap from It's Showtime

Sabi pa ni Tosca, love na love ni Rico J. sina Ogie Alcasid at Regine Velasquez.

“Na-touch ako kay Sir Ogie,” matamang sambit ni Tosca, na isang inspirational singer.

“Marami ring nagsabi sa akin na na-touch sila sa sinabi ni Sir Ogie sa Showtime, the way he saw Papa while he’s growing up.

“Tapos, he even acknowledged Papa na close to God. Maraming natuwa sa sinabi ni Sir Ogie!”

NOEL FERRER: Namumutiktik ng tribute kay Rico J. Puno—hindi lang sa ABS-CBN shows, 'tulad ng It's Showtime at Rated K, kundi pati rin sa GMA-7 shows na Tonight With Arnold Clavio at Eat Bulaga!

Continue reading below ↓
 IMAGE Screen cap from Eat Bulaga!

Speaking of Eat Bulaga, bumalik na ang alaga nating si Ryan Agoncillo.

Kasama siya nina Wally Bayola at Paolo Ballesteros sa pagsu-Zumba kanina, kaya ang sabi niya’y ayos na ang butu-buto!

Pansamantalang nag-leave si Ryan dahil sa therapy sa kanyang tuhod.

Nakakaaliw rin panoorin ang bago nilang host na si Maureen Wroblewitz, pati ang kanilang singing contest sa iba't ibang remote locations na "BakClash."

Masaya lang... 'tulad ng selebrasyon ng masayang buhay ni Rico J. Puno!

GORGY RULA: Hindi lang mag-swak sa concept ng Regine at the Movies concert ni Regine Velasquez, kaya hindi nila masingit dito ang tribute para kay Rico J.

Pero plano pa rin ng kampo ni Regine na magbigay-pugay sa legendary OPM singer sa ibang pagkakataon.

Maaaring sa ASAP na magre-reformat na sa Nobyembre 18.

Parang hindi pa rin makapaniwala ang Asia's Songbird na wala na si Rico J. 

Parang ang iksi lang daw ng buhay.

Continue reading below ↓

Ikinagulat na lang daw ni Regine pati ang balitang pumanaw na rin ang dalawang miyembro ng entertainment press na sina Bayani San Diego at Kuya Bong de Leon.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results