Mapupusok na eksena nina Angel Aquino at Tony Labrusca sa Glorious, nakadadarang

by PEP Troika
Nov 5, 2018

JERRY OLEA: Nadarang ako sa mapupusok na eksena nina Angel Aquino at Tony Labrusca sa trailer ng digital movie na Glorious.

“Maganda ang chemistry nila,” sabi ng direktor na si Concepcion Macatuno sa Messenger nitong Nobyembre 5, Lunes.

“Masuwerte ako na nakatrabaho sila. Ang husay nila!

“Laging may guidance sa mga intimate scenes. We talk about it. Open ang communication.”

Continue reading below ↓

Sa istorya, ang 52-anyos na si Glory (Angel Aquino) ay nahulog sa relasyon sa 22-anyos na si Niko (Tony Labrusca).

“Ihinahain ng pelikulang Glorious ang stigma sa babae na nakikipagrelasyon sa mas bata sa kanya,” lahad pa ni Direk Concepcion.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

“Tinutukoy rin ng pelikula ang tibay ng loob para mapanindigan ang relasyong gaya ng sa kanila.”

Abangan ang Glorious streaming simula Nobyembre 17 sa iWant TV platform ng ABS-CBN!

Continue reading below ↓

GORGY RULA: Curious ako kung ang mga pelikulang ginagawa para sa iWant TV ay kailangan pa rin bang dumaan sa MTRCB.

Parang Netflix din kaya ito na napapanood ang kabuuan kahit may hubaran at matinding love scenes?

Ibinebenta kasi sa pelikulang ito ang mainit na love scene ng dalawang pangunahing karakter.

Hindi na bago ang ganitong kuwento sa mga pelikula. Pero kung talagang daring ito, maaring first time lang itong ginawa ni Angel Aquino.

Walang kaarte-arte si Angel sa role niya.

Saka kahit 52 years old ang ginagampanan niya, sexy pa rin siya at maganda na tiyak type ng mga kabataan.

Siya ang tipong ‘milf’ na bet ng millennials.

Continue reading below ↓

NOEL FERRER: Interesting ang cougar-cub relationships ngayon, na nangyayari sa inyo, di ba, Tito Gorgy at Jerry?

Very telling ang numbers ng views ng trailer ng Glorious!

Ito na ang bagong wangis ng digitial TV?

Sana, makahabol ang iba.

Read Next
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results