GORGY RULA: Heto na ang inaabangang ratings ng mga programa nitong November 4, Sunday.
Marami ang gustong malaman kung wagi ba ang second part ng ASAP Live in Sydney, pati ang karugtong ng interview ni Vice Ganda kay Regine Velasquez sa Gandang Gabi Vice, at ang interview ni Korina Sanchez sa Asia's Songbird sa Rated K.
View this post on InstagramThank you again Ms @korina for having me and Nate on Rated K thank you teh �??? #RegineOnRatedK
Mula sa AGB NUTAM, lamang pa rin ang Sunday Pinasaya na nakakuha ng 6.4%, at 5% lamang ang ASAP.
Angat pa rin ang mga programa ng GMA-7 sa gabi na sinimulan ng 24 Oras (6. 7%) vs TV Patrol (6.2%), Amazing Earth (9.5%) vs Goin' Bulilit (7.2%), Daig Kayo ng Lola Ko (11%) vs. Wansapanataym (8.5%).
Tabla sa 10.5% ang Studio 7 at The Kid’s Choice.
Tinambakan ng Kapuso Mo, Jessica Soho (14%) ang Rated K (6.3%).
Pati ang Gandang Gabi Vice (3.2%) ay natalo ng Miss Earth 2018 Goddesses of the Earth telecast (3.8%).
Marami siguro ang gustong mapanood ang pinag-uusapang sagot ni Miss Philippines sa Q & A.
Pero masaya ang mga taga-Kapamilya network dahil nag-trending ang guestings ni Regine na may hashtags na #GGVRegineWoooh at #RegineOnRatedK.

Wagi ba sila sa Kantar survey?
JERRY OLEA: Ayon sa Kantar national ratings noong Nobyembre 4, wagi ang guesting ni Regine sa ASAP Live in Sydney (13.8%) vs Sunday PinaSaya (9.1%).
Panalo rin ang Gandang Gabi Vice (7.3%) kontra Miss Earth 2018 (5.7%).
Pero talo ang Rated K (16.6%) sa Kapuso Mo, Jessica Soho (23.8%), ang pinakamalakas na Sunday program ng Kapuso Network base sa Kantar survey.
Ang iba pang points of contention:
TV Patrol Weekend (16.1) vs 24 Oras Weekend (12.8%)
Goin’ Bulilit (20.2%) vs Amazing Earth (18.8%)
Wansapanataym (24.5%) vs Daig Kayo Ng Lola Ko (20.6%)
The Kids’ Choice (26.8%) vs Studio 7 (16.5%)
Text sa amin ng isang TV network insider, “Ang sakop ng NUTAM ratings ay urban homes lamang. Ang Kantar, urban at rural homes.”
NOEL FERRER: Bakit ba mainit ang mata ng mga tao sa guest appearances ni Regine Velasquez?
Marami namang ibang lumipat ng network pero hindi ganito ka-ratings conscious at indignant ang mga tao.
Gusto ba nating mag-fail ang Songbird? Sana naman, hindi!
In fairness sa kanyang guestings, pinag-effort-an niya lahat. Very generous siya sa pagse-share ng kanyang mga natutunan sa buhay. At malinis ang kanyang boses at pagkanta, ha?!
In the end, katulad ng lagi kong sinasabi, ang magwawagi rito ay ang audience.
Pagandahan na lang sana ng palabas ang labanan at hindi personalan!