Star-studded eulogy para sa huling gabi ng lamay ni Rico J. Puno, kasado na

Star-studded eulogy para sa huling gabi ng lamay ni Rico J. Puno, kasado na
by PEP Troika
Nov 7, 2018

JERRY OLEA: Ngayong Nobyembre 7, Miyerkules ng 6 p.m., ang star-studded eulogy kay Rico J. Puno sa Santuario de San Antonio main church sa Forbes Park, Makati City.

 IMAGE Rico J. Puno Facebook

Siyempre, bongga ang kantahan sa huling gabi ng lamay.

Ang punong-abala sa programa ay ang kapatid ni Rico na si Jun Puno.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi ng daughter ni Rico na si Tosca, “Si Tito Jun ang nag-i-spearhead nun. Kami po, siyempre we will be there.

"Ako po, excited ako. Gusto ko lang ma-surprise kung sino yung pupunta.

“Excited po ako, kasi yun ang gusto ni Papa, yung kantahan! So, excited po ako sa gagawin ni Tito Jun for Papa.”

Bukas, Nobyembre 8, ibuburol si Rico sa Makati City Hall mula 6 to 10 a.m., saka ihahatid sa kanyang huling hantungan sa Heritage Park, Taguig City.

Tuloy sa Nobyembre 23 ng 8 p.m. ang concert na Music and Laughter (Sana, Tatlo Ang Puso Ko) sa The Theatre ng Solaire Resort & Casino sa Parañaque, pero iba na ang konsepto niyon.

“Tribute na iyon kay Papa,” nakangiting sambit ni Tosca.

Dagdag ng anak ni Rico J, “Whatever it will be, I’m so thankful, kasi itinuloy pa rin nila ang concert.”

Tampok pa rin doon sina Giselle Sanchez at Marissa Sanchez.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sa Nobyembre 23 rin ng 8 p.m., gaganapin sa Music Museum sa San Juan City ang Senior Moments (Laugh All You Can) ni Willie Nepomuceno.

NOEL FERRER: Habang ang lahat ay nakapagbigay na ng tribute para kay Rico J. Puno, ito na siguro ang pinaka-meaningful dahil kasama ng pamilya niya.

Ito na ang huling parangal bago siya ihatid sa huling hantungan, kumbaga.

Aabangan natin iyan mamayang gabi—ang mga kanta, ang presentasyon, at siyempre ang mensahe ng pamilya.

GORGY RULA: Dahil sa nangyari kay Rico J, dapat maging maingat talaga tayo sa kalusugan natin.

Si Rico kasi ang isa sa pinakaabalang performers sa showbiz dahil sa dami ng kumukuha sa kanya.

Dagdag pa ang trabaho niya bilang konsehal ng Makati.

Kaya extra ingat dapat ka lalo na kung may ganun kang karamdaman.

Nabanggit kasi dati ni Makati Mayor Abby Binay na talagang pinapagod ni Rico J ang sarili dahil sa dami ng ginagawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kaya maglaan talaga tayo ng oras para magpahinga, at pakinggan natin ang sinasabi ng katawan natin.

Kung hindi na kaya, huwag ipilit, at huwag nang magpaka-stress.

Mas piliin natin ang pasaglit-saglit na pahinga kesa sa tuluyang pamamahinga.

Mami-miss natin si Rico J. Puno, at sa totoo lang, wala pang puwedeng pumalit sa style ng performance niya.

Nag-iisa lang siya sa ganung tipo ng entertainment.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results