JERRY OLEA: One night only ang burol kay Nonong de Andres aka Bangkay or Bangky nitong Nobyembre 6, Martes, sa St. Claire Funeral Homes ng Plaridel, Quezon.

“First wake po is for family and friends in Plaridel. Tito Nonong considers Plaridel as his home,” sabi ng pamangkin niyang si Powee Capino nang maka-chat namin nitong Nobyembre 7, Miyerkules ng hapon, sa Messenger.
Nagpasalamat si Powee sa mga dumamay at tumulong, sa pangunguna ng kaibigan ni Plaridel Mayor Bernard Tumagay na kaibigan ng character actor.
“Salamat din sa mga taga-Plaridel mismo,” dagdag ni Powee.

Na-cremate na sa Lucena City ang katawang-lupa ni Nonong, dahil iyon ang gusto niya.
“Easing the government regulatory burden (permits, processing, transport etc) would have not been possible if not for the assistance of Mayor Bernard Tumagay,” lahad ni Powee.

Post ni Powee sa Facebook nitong Miyerkules nang hapon, “Members of the public can visit and celebrate the life of Tito Nonong de Andres at the Loyola Memorial Chapel in Sucat Parañaque starting tomorrow afternoon.
“Join our family and share with us your fond memories of my beloved uncle.”
Pagdidiin ni Powee sa usapan namin sa Messenger, “I would like to ask the public to focus on his achievements.
“The public viewing in Manila would be a celebration of his life.”
NOEL FERRER: Nakikiramay tayo sa pamilya ng yumaong si Bangky. Sana ay matahimik na ang pamilya sa iba’t ibang balita ukol sa dahilan ng pagkamatay niya.
It is heartwarming to know na magkasama na sila ni Lilia Cuntapay sa kabilang buhay.
Salamat sa alaala, Nonong de Andres (aka Bangky)!

GORGY RULA: Ang naalala ko kay Bangky, kinukuha siya minsan ni Rosanna Roces para manakot sa village nila sa Halloween.
Dati kasi, noong may bahay pa si Osang sa isang village sa Quezon City, kinakarir niya ang maglagay ng Halloween decor sa labas ng bahay.
Nagpagawa siya ng kabaong, 'tapos pinapahiga niya roon si Bangky.
Kaya nagkakagulo ang mga tao lalo na mga bata sa tapat ng bahay niya.
Kahit ano ipagawa mo kay Bangky, ginagawa niya.
Nakakalungkot lang na pumanaw si Bangky sa buwan ng mga namayapa, pagkatapos lang ng Undas.
Kuwento ni Manay Lolit Solis, lagi iyan kina Mang Dolphy. Akala niya ay kamag-anak dati ng mga Quizon, kasi may pagkamestiso rin siya.
Kung buhay lang si Mang Dolphy, tiyak na natulungan iyan.
Nakikiramay po kami, at sana masaya si Bangky bago siya pumanaw.