Mader Sitang, ipinadedeklarang persona non grata sa Pilipinas

Mader Sitang, ipinadedeklarang persona non grata sa Pilipinas
by PEP Troika
Nov 7, 2018

JERRY OLEA: Nawindang si Mr. Gay World Philippines 2009 Wilbert Tolentino sa demands ni Mader Sitang bago ito pumirma ng limang-taong managerial contract.

Wilbert Tolentino and Mader Sitang
IMAGE Noel Orsal

Si Mader Sitang ang Thai social media sensation na sumikat dahil sa viral videos niya kung saan siya nagsasayaw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Wilbert ang international manager ni Mader Sitang, at excited siyang lumipad pa-Thailand nitong Nobyembre 6, Martes ng gabi, kasama ang Philippine entourage.

Bandang 8:30 p.m. Bangkok time (9:30 p.m. sa Manila) sila lumapag doon. Meron sana silang welcome dinner.

Kaso, gusto ni Mader Sitang na tumanggap siya ng 19.5M baht (katumbas ng PHP31.3M) bago ang contract signing.

Kailangan niya ng 9.5M baht (katumbas ng PHP15.3M) para sa bahay, opisina & mini-warehouse, plus 10M baht (katumbas ng PHP16M) para sa iba pang gastusin.

Sumalubong si Mader Sitang sa airport.

Nang malaman niyang walang dalang milyones si Wilbert, iniwan niya ang mga ito agad-agad.

Nanlumo si Wilbert.

Miyerkules, Nobyembre 7, dumulog si Wilbert sa consul ng Pilipinas na nakabase sa Thailand.

Ipapadeklara ni Wilbert na persona non grata si Mader Sitang sa Pilipinas para hindi na muli ito makatuntong sa lupang hinirang.

Gumastos na si Wilbert ng PHP30M para sa Simply Sitang products (perfume, hair products, t-shirts at iba pang merchandising items) na ibebenta online.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Lahat ng kikitain doon ay ibibigay ko sa charity,” sabi ni Wilbert, na uuwi sa Pilipinas sa Nobyembre 9, Biyernes.

NOEL FERRER: Ayan na ang makulay at masalimuot na daigdig ni Mader Sitang!

Saan kaya hahantong ito? Paano ito nakakaapekto sa imahe niya? At yung mga tinutulungan niya?

Matuloy kaya ang petisyon na ito na maging persona non grata si Mader Sitang?

Makikita pa kaya natin siya dito sa Pinas o katulad ng Sunday PinaSaya, mag-Inday Garutay na lang?

GORGY RULA: Puwede kaya siyang ma-persona non grata sa ganoong grounds?

Walang pinatay si Mader Sitang, at hindi siya naging threat sa national security.

Wala siyang ginawang pang-iinsulto o pambabastos sa ating bansa.

Wala pa namang kasong isinampa laban sa kanya.

Kung hindi nagkasundo sa pag-uusap, puwede nang pigilan ang pagpasok sa isang bansa? Puwede kaya yun?

Nag-demand lang si Mader Sitang ng gusto niya, iyan ay kung kaya o hindi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kung yumabang man siya o lumaki na ang ulo, siguro ay dahil na rin sa ipinakita at pagtrato sa kanya nang pumunta rito.

Akala niya siguro, napaka-big star na niya dahil pinagkaguluhan siya noong unang punta niya ng bansa.

Feeling niya, worth millions na siya kaya nakapag-demand ng ganun.

E, di kalimutan na si Mader Sitang.

Pero may karapatan pa rin siyang pumasok sa ating bansa.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results