Basketball star Ricci Rivero, aminadong KathNiel fan

by PEP Troika
Nov 7, 2018

GORGY RULA: Nakakatuwa ang basketball player ng UP Fighting Maroons na si Ricci Rivero.

Inamin niya sa aming isa pala siyang die-hard fan ng KathNiel—ang tambalan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

 IMAGE Gorgy Rula

Sandali naming nakatsikahan si Ricci sa premiere night ng Class of 2018 sa Trinoma nitong November 6, Tuesday.

Continue reading below ↓

Priority pa rin daw niya ang paglalaro ng basketball, kahit bida na siya agad sa first movie niyang Otlum, na entry sa MMFF 2018.

Kung off-season sa UAAP, puwede siyang mag-movie.

Type na type niyang gumawa ng rom-com, kahit extra lang sa pelikula nina Kathryn at Daniel.

“Gusto ko lang, kahit extra lang ako ng KathNiel, kasi sobrang fan ako ng KathNiel, e,” sabi ni Ricci nang tinanong namin kung sino ang type niyang makasama sa isang rom-com film.

Ipinaliwanag namin sa kanya na hindi muna magsasama ang dalawa sa isang proyekto, kaya okay lang ba sa kanyang  siya na mismo ang partner ni Kathryn?

“Extra lang ako,” sagot niya.

“Hindi naman sa ayaw ko i-partner kay Kathryn, pero kasi, fan ako ng love team, e.

“Iba kasi yung dating nila sa akin, e.

“Ever since talaga… like, siguro first year high school pa lang ako, lahat ng movies, napanood ko na.

Continue reading below ↓

"Yung iba nga, twice pa, yung mga ganun," nakakatuwang pahayag ni Ricci.

Ang Barcelona (2016) ang pinakapaborito raw niyang pelikula ng KathNiel.

Tinanong din namin si Ricci kung okay lang bang makasama siya sa movie ni Vice Ganda, na minsan ay na-link sa kanya.

“Yeah! Yeah! Si Vice yun, e. I know Vice naman,” sagot ni Ricci.

Tumango siya nang tinanong namin kung magkaibigan sila ni Vice.

NOEL FERRER: Acid test kay Ricci Rivero kung tatanggapin siya bilang artista sa Otlum.

Maraming naunang basketbolista na pumasok sa mundo ng showbiz.

Nagpelikula rin ang mga sikat na basketball players na sina Alvin Patrimonio, Jerry Codiñera, Paul "Bong" Alvarez, Atoy Co, Yoyong Martirez, Jayvee Gayoso, Benjie Paras, Francis Arnaiz, Mark Andaya, at iba pa.

Sina Dennis Roldan, Jimmy Santos, at Joey Marquez ang mga basketbolistang nagtuluy-tuloy sa pag-aartista.

Susunod kaya si Ricci sa mga yapak nila?

JERRY OLEA: Iika-ika si Ricci nang dumalo sa premiere night ng Class of 2018 bilang suporta sa kapwa basketbolista na si Johnvic de Guzman.

Continue reading below ↓

Meron siyang injury.

Hindi maikakaila... agaw-eksena si Ricci! Ampogi-pogi niya! Napaka-glorious ng sex appeal!

Read Next
Read More Stories About
pep troika, KathNiel
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results