Jolina Magdangal, sinorpresa ng mister na si Mark Escueta sa kanyang 40th birthday

by PEP Troika
Nov 7, 2018

GORGY RULA: Napaluha si Jolina Magdangal nang sinorpresa ito ng isang bonggang birthday party ng kanyang asawang si Mark Escueta at manager na si Perry Lansigan.

Nagdiwang ng 40th birthday si Jolina noong November 6.

Jolina Magdangal and Mark Escueta
 IMAGE Gorgy Rula

Ginanap ang surprise party para kay Jolina sa Cove Manila sa Okada Manila hotel, Miyerkules ng gabi, November 7.

Continue reading below ↓

Sinundo ni Mark si Jolens ni Mark sa taping ng Magandang Buhay at dinala sa Cove Manila.

Ang sabi sa kanya ni Mark, magdi-dinner lang sila dahil may kamag-anak silang dumating mula Amerika.

Pagpasok ng mag-asawa sa venue, gulat na gulat ang singer-actress nang tumambad sa kanya ang buong pamilya at mga malalapit na kaibigan.

Nagbigay ng mensahe ang magulang niyang sina Daddy Jun at Mommy Paulette Magdangal.

Continue reading below ↓
Jolly with Daddy Jun and Mommy Paulette
 IMAGE Gorgy Rula

Nagbigay rin ng mensahe ang mga magulang ni Mark.

Sinorpresa rin si Jolens ng VTR message mula kay Mark at anak nilang si Pele, at mga malapit niyang kaibigang sina Marvin Agustin, Angelu de Leon, Maricel Soriano, Judy Ann Santos, Ryan Cayabyab, at Johnny Manahan.

Sabi ni Jolina, “Hindi ko talaga naiisip na mag-party kasi natatakot ako na baka walang pumunta.

“Hindi ko kasi alam kung paano iga-gather dahil yung iba, hindi ko na nakakausap. Hindi ko alam kung may time pa ba sila.

“Wala talaga akong kakutub-kutob, kasi, hindi ko naiisip na magbi-big party.

“Thank you sa time niyo dahil alam kong ang time, hindi madali para sa ganito, at nabibigyan ng time pag mahal mo yung isang tao.

“Thank you sa pagmamahal dahil dito talaga napatunayan ang mga totoo mong kaibigan at kung sino ang nagmamahal sa iyo.”

Continue reading below ↓
 IMAGE Gorgy Rula

Ilan sa close friends ni Jolina na dumating ay sina Marvin Agustin, ang co-hosts niya sa Magandang Buhay na sina Karla Estrada at Melai Cantiveros, Jay-R at Mica Javier, at mga kapatid niya sa PPL Entertainment.

NOEL FERRER: Pareho na sina Jolina at Juday na 40 this year.

And, yes, pareho ring asawa nila ang naging in-charge ng kani-kanyang surprise birthday party.

Napanood ko ang two-part birthday special ni Jolina sa Magandang Buhay.

Iba na ang focus ni Jolina, pamilya na talaga.

Kaya may pinag-uugatan na ang kanyang pagtatrabaho.

Mas napapahalagahan na nila ang mga bagay na simple at magtatagal, hindi ang mga superficial.

Nakakatuwa dahil habang nagse-celebrate si Jolina ng birthday niya ay ipinagdiriwang ng pamilya ni Juday ang birthday ng kanilang panganay na si Yohan.

Nakakatuwa silang mag-BFF!

JERRY OLEA: Masaya ako para kay Jolina.

Sa interbyu sa kanya ni Kuya Boy Abunda sa Tonight With Boy Abunda nitong Nobyembre 7, Miyerkules ng gabi, bakas sa mukha niya ang pagiging kuntento at fulfilled sa buhay.

Continue reading below ↓

Ang pangarap niya ay hindi na para sa kanyang sarili, kundi para sa kanyang mga anak.

Mabuhay ka, Jolina! Isa kang huwarang artista!

 IMAGE Gorgy Rula
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results