Victor Magtanggol ni Alden Richards, hanggang November 16 na lang

by PEP Troika
Nov 8, 2018

GORGY RULA: Hanggang November 16, Biyernes, na lang ang Victor Magtanggol ni Alden Richards.

Kaya abangan ang finale week ng Kapuso telefantasya.

Mas maaksyon ito at masasagot na ang mga tanong sa kuwento; gaya ng malalaman na ba ni Loki (John Estrada) na si Hammerman ay si Victor Magtanggol?

Malalaking eksena raw ang mapapanood sa pagtatapos nito na pinaghandaan nang husto ni Alden.

Continue reading below ↓
 IMAGE Noel Orsal

Nagsimulang umere ang Victor Magtanggol noong July 30, 2018, kaya halos apat na buwan ang itinagal nito sa ere.

Nilinaw ng production staff ng Kapuso primetime series na hindi ito na-cut short.

Nasunod daw ang intended run nito, pero hindi lang na-extend.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Sabi ni Alden, sobrang fulfilled siya sa Victor Magtanggol dahil nagawa niya rito ang lahat ng hindi pa niya nagawa sa mga nakaraan niyang teleserye.

Ang dami kasing stunts dito na siya mismo ang gumawa.

Pahayag niya, “Yun po ang nakakadagdag sa achievements sa Victor Magtanggol, e. Hindi lang yung bilang aktor.

“At least po, ang dami ko pong nagagawa dito na hindi ko po dati nagagawa sa ibang soap.

“Espesyal po ito, kasi action, plus talagang... normally po, tinatanong ko si Direk Dom [Dominic Zapata] saka ang EP ko po, si Ms. Mona, na kung puwede, ako na po ang gagawa ng stunts.

"Kung puwede, as much as kaya. So, as much as possible po, ako po lahat."

Continue reading below ↓

Ang isa pang na-treasure nila nang husto ay ang magandang samahan nila sa set.

Hindi raw nila ininda ang magdamagang taping dahil masaya silang lahat sa taping.

Saad ni Alden, “Ito po yung set na parang gigising ka nang maaga, magti-taping ka ng alas-sais, alas-siete, pero nilu-look forward ko yung set, na parang looking forward ka na pumasok na at makikita mo ulit yung mga tao na you share the same fire and the passion po to execute great material.

“Yun pong motivation ko lagi. Hindi na po yung pagod nung last taping.

"Hindi na po yung puyat, yung mga katrabaho mo.

“Kasi, iba po yung energy dito sa set, e,” dagdag ni Alden.

NOEL FERRER: Goodbye, Victor Magtanggol! Hello, Cain at Abel!

Ang Hari ng Drama na si Dennis Trillo at Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes naman ang makakatapat ng Hari ng Telebisyon na si Coco Martin.

Continue reading below ↓

Ang panalo? Ang audience!

Pagandahan na lang ng programa, as always!

JERRY OLEA: Nang ipalabas ng GMA-7 ang teaser ng Cain at Abel nina Dingdong Dantes at Dennis Trillo, pahiwatig iyon na nalalapit na ang wakas ng Victor Magtanggol.

E, nag-storycon pa ang Kapuso teleseryeng Dalawang Mukha ni GuadaLupe kung saan kasali si John Estrada...

Kaya malinaw ang indications sa pamamaalam ng telefantasya ni Alden Richards.

Prized talent ng GMA si Alden. Hindi siya mawawalan ng trabaho. Andiyan pa rin siya sa Eat Bulaga.

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results