Marian Rivera, pinaglilihian ang kamias

by PEP Troika
Nov 8, 2018

GORGY RULA: Sa November 20 ay check-up schedule uli Marian Rivera sa kanyang OB-Gyne. Maaaring doon na malalaman kung boy o girl ang ipinagbubuntis niya.

 IMAGE Gorgy Rula

Ayon kay Marian, mas hirap siya sa paglilihi ngayon kumpara noon sa panganay nila ni Dingdong Dantes na si Zia.

“Kay Zia kasi, hindi ako masyadong malakas kumain.

Continue reading below ↓

"Dito, baligtad. Masyado akong malakas kumain.

“Kay Zia, mahilig ako sa mga chocolates.

"Dito, baligtad. Gusto ko, mga maasim.

"Lahat na maasim, saka maalat," pakli ni Marian sa press launch ng Nailandia nitong Nobyembre 8, Huwebes.

 IMAGE Gorgy Rula

Natatawang ikinuwento ni Marian sa amin na isa sa pinaglihian niya ay kamias.

Continue reading below ↓

Type na type daw niyang kumain ng kamias na isinasawsaw sa asin. Minsan din ay manggang hilaw at bagoong.

“Iyan ang unang-una kong pinahanap kay Dong. Gusto ko ng kamias.

“Mabuti na lang, sa bahay namin, sa unahan ng bahay namin, may puno ng kamias. So, pipitasin lang.

“Basta, lahat ng maalat at maasim, yun ang gusto kong kainin,” saad niya.

Sabi tuloy ng iba, baka baby boy ang ipinagbubuntis ni Marian dahil ibang-iba ito nung ipinagbubuntis niya si Zia.

Nagsusuka pa rin si Marian lalo na pag lumalabas siya.

Nahihilo siya sa traffic. Parang ang gulo raw ng kalye, sa tingin niya.

Mabuti nga at hindi ganun karami ang ginagawa ngayon ni Marian.

Nagti-tape lang siya ng Tadhana at live naman kung Linggo sa Sunday Pinasaya, kaya hindi siya gaanong nahihirapan sa trabaho.

Mabuti at may endorsements pa siya gaya nitong Nailandia, na balak ni Marian kumuha ng franchise na ilalagay niya malapit sa kanilang tahanan sa Makati.

Continue reading below ↓

Ang isa pang pinaghahandaan ni Marian ay ang partisipasyon niya sa The Color Run Hero Tour, na gagawin sa McKinley West, Taguig City, sa November 18.

Sa pakikipagtulungan ng Runrio Events, Inc., ang mag-asawang Dingdong at Marian ang mangunguna sa fun run kasama ang iba pang Kapuso stars.

Dahil buntis siya, lalakarin lang ni Marian ang 5K na tatakbuhan ng participants.

Ang proceeds ng event na ito ay mapupunta sa I Am Super campaign ng Yes Pinoy Foundation ni Dingdong.

Continue reading below ↓
 IMAGE Gorgy Rula

JERRY OLEA: Pakiwari ko ay lalong susuwertihin si Dingdong sa kanyang career ngayong buntis si Marian.

Good luck ang hatid ng baby nila sa bagong Kapuso primetime series na Cain at Abel, kung saan ka-acting showdown ni Dingdong si Dennis Trillo.

Siyempre, good luck charm din ang baby sa MMFF 2018 entry na Fantastica, kung saan isa si Dingdong sa co-stars ni Vice Ganda.

NOEL FERRER: May asim, alat, at tamis... kumpletos recados talaga sina Marian at Dingdong.

Hangad nating maging suwerte ang dala ng kanilang bagong baby sa kani-kanyang projects.

With Cain at Abel and Fantastica, ang gandang timing ng baby na ito.

At heto, healthy pa silang pareho! Wala ka nang hahanapin pa!

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results