JERRY OLEA: Dahil sa pagrereklamo ng tatlong banyagang kandidata kaugnay sa sexual harassment sa Miss Earth 2018, naalala ko ang Fil-Italian model na si Ambra B. Gutierrez.

Biktima si Ambra ng sexual harassment ng Hollywood mogul na si Harvey Weinstein. Ang pagbubunyag ni Ambra noong 2015 ang nagsilbing mitsa ng pagbagsak ng film producer.
Bumisita si Ambra sa bansa noong Setyembre 29. Isang linggo siyang nag-stay rito at ininterbyu ng ilang taga-TV.
Nakausap namin si Ambra noong Oktubre 3 sa Alta by Relik restaurant sa San Juan City.
Aniya, “I try to have my voice heard, and have my experience listened by others, so that I could inspire someone to even speak out about their own issues.”
Nang ireklamo noon ni Ambra si Weinstein, mistulang ipinako siya sa krus ng media. Pinaratangan siyang sinungaling at puta.
“I lost my job opportunities in the US and probably around the world,” paggunita ni Ambra.
“And I just felt that I would like to come to the Philippines and experience something new and I took my brother here, Claudio.
“He came here with me, and we started to do this adventure in the Philippines, and finally I also recovered by ... my health issues that I had, with my body and my mind.
“Because here I always feel that I’m at home, and I’m accepted and appreciated for what I am, and not about the fake news that were out there, that destroyed my reputation back then.”
Iyon ang worst time sa buhay ni Ambra, at mga Pinoy ang buong pusong yumakap sa kaya noong mga panahong iyon.
Lumutang ang katotohanan sa takdang panahon, at nakabangon si Ambra. Vindicated siya!
Nakatakdang bumalik si Ambra sa Pilipinas sa Nobyembre 22 o 23.
Rarampa siya sa isang charity fashion show sa Atrium, SM Megamall.

NOEL FERRER: Sana ay mag-progress ang kaso tungkol sa isyu ng sexual harassment sa Miss Earth. Hindi maganda ang iniwang imahe nito sa ating bansa.
Ano kaya ang gagawing aksyon sa sponsor na lumabis sa pakikitungo kina Miss Canada, Miss Guam, at Miss England?
Mananahimik na lang at tapos na ang isyu?
Dapat maisapubliko ang aksyon at resolusyon ng Miss Earth Organization at ipakita nila na nasa panig sila ng kapakanan ng kanilang mga kandidata.
Sino pa kaya ang susunod na lalabas at maninindigan sa #MeToo movement?
GORGY RULA: Itong pasabog ng tatlong Miss Earth 2018 candidates ay maaring magsisilbing susi upang mabunyag ang iba pang nangyayaring harassment sa iba pang beauty competition, pambabae man o panlalaki.
Naalala tuloy namin ang isang isyu ng harassment kaugnay sa isang titleholder na nanalo kamakailan.
May ilang personalidad na involved na ikina-trauma nitong titleholder.
Matagal siyang nawala, pero bumalik para sumali sa isang competition na napagwagian niya.
Wala pa siyang sinasabi kung totoo iyun o hindi.
Napag-usapan lang ito nang ikinuwento sa amin ng ilang taong malapit sa titleholder.