Jay-R at Mica Javier, sa 2020 pa ikakasal; Jay-R, nilinaw ang isyu kay Zeus Collins

by PEP Troika
Nov 9, 2018

GORGY RULA: Definitely, hindi pa next year ang kasalang Jay-R at Mica Javier.

Pagkatapos mag-propose ni Jay-R kay Mica, ang kasunod na inaabangan ay kung kailan ang wedding.

 IMAGE Gorgy Rula

“For sure, hindi next year kasi ang brother ko ikakasal next year. So, after that na lang,” nakangiting sabi ni Mica nang nakatsikahan sila ng PEP Troika sa surprise birthday party kay Jolina Magdangal sa Cove Manila noong Miyerkules, November 7.

Continue reading below ↓

Sabi naman ni Jay-R, “Baka mga 2020 siguro, maganda rin yung solid number, you know, mga ganun.”

Hindi pa nila napag-uusapan ang tungkol sa wedding, pero simple lang daw ang gusto nila kasama ang kanilang pamilya.

Pahayag ng R&B singer, “Gusto namin yung small wedding with immediate family, ang then isang celebration na party with all the friends and with the family also. Very, very simple lang.

“Ayaw namin ng pabonggahan, ganun.

“We’re very simple people lang.”

Iba raw pala talaga ang feeling kapag nag-propose ang taong mahal mo.

Hindi nga raw akalain ni Mica na mae-experience niya ang ganung feeling.

Pahayag ng GirlTrends member, “Hindi ako yung type na iniisip ko yung wedding o yung proposal or whatever.

“Nung na-experience ko yun, talagang na-shock ako. Ganun pala talaga yung feeling.

“You feel very special. You feel very loved na hindi mo ma-imagine na mangyayari yun sa iyo,” pahayag ng GirlTrends member.

Continue reading below ↓

JERRY OLEA: Walang masama na sumunod sa pamahiin kaugnay sa sukob.

At least, mas makikilala pa nila ang isa’t isa bago ang kanilang pag-iisang dibdib.

Mas makakapaghanda rin sila para sa kanilang pagsasama.

Ngayon pa lang, best wishes kina Jay-R at Mica!

 IMAGE Gorgy Rula

NOEL FERRER: Ang maganda sa magkasintahang Jay-R at Mica, they really make time to integrate with other couples.

Continue reading below ↓

Close sila sa mga kapamilya sa Your Face Sounds Familiar.

They were there during Maxene Magalona’s wedding kay Robby Mananquil, 'tapos nandun din sila sa 40th birthday ni Jolina Magdangal na inihanda ni Mark Escueta.

Practice na ba ito para sa kanilang kasal kahit sa 2020 pa?

I just love this couple. At alam ko rin ang pinagdaanan nila with their past loves.

May they really live happily ever after, while reaching for the fulfillment of their dreams!

GORGY RULA: Nilinaw rin ng magkasintahan ang isyung kinasangkutan nina Mica at Zeus Collins.

Nabalitang nagkaroon ng confrontation sina Jay-R at Zeus sa ABS-CBN Ball.

Ayon sa lumabas na ulat, sinita raw ni Jay-R ang Hashtags member tungkol sa aksidenteng nasundot ni Zeus ang bandang likuran ni Mica sa isang dance number nila sa It’s Showtime.

Nag-sorry si Zeus, pero nakarating daw ito kay Jay-R at nagkita sila ni Zeus sa ABS-CBN Ball.

Continue reading below ↓

Ayon sa singer, hindi totoong nagkasigawan at naghamunan sila ng suntukan ni Zeus.

Maayos daw nilang napag-usapan at tapos na ang isyu.

“Ayos na yun. It’s all good.

"Everything has been said, everything has been communicated na, kaya okey na.

"You know, it is what it is. Pero everything’s okay na. Nag-communicate na,” pahayag ni Jay-R.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results