Marissa Sanchez, may health scare kaya no-show sa necro service ni Rico J. Puno

by PEP Troika
Nov 9, 2018

JERRY OLEA: Takang-taka ako kung bakit hinayaan ni Marissa Sanchez na si Giselle Sanchez lang ang mag-host sa eulogy kay Rico J. Puno noong November 7, Wednesday night, sa Santuario de San Antonio, Forbes Park, Makati City.

 IMAGE Noel Orsal

(Marissa Sanchez, Rico J. Puno, and Giselle Sanchez at the October 18 presscon for Music and Laughter concert.)

Continue reading below ↓

E, sa charity event ng Kasuso Foundation noong Oktubre 20, Sabado, sa East Avenue Medical Center, present si Marissa at pinasaya ang sandamukal na breast cancer patients at survivors na hindi naman niya kilala!

Ano’t sa huling gabi ng lamay para kay Rico J, na isinama siya sa Music and Laughter (Sana, Tatlo Ang Puso Ko) slated on November 23 sa The Theater @ Solaire, hindi ko man lang nasilayan ang kanyang bilbil?!

Isa itong misteryo na hindi ko maarok at bumagabag sa aking puso, atay, at balun-balunan...

Nabigyang-linaw iyon sa post ni Marissa nitong Nobyembre 9, Biyernes ng hapon, sa Facebook:

“Eto ang resulta ng MRI ko sa Frozen shoulders ko, at kaya pala hindi ako gumagaling?

“Ung kulay puti na nkikita nyo? FLUIDS na pala yan. Tinubig na pala ang kaliwang balikat ko.

“Under nego ang gagawing pagsusuri sakin so pls pray for me na sana makuha ito sa gamot bcoz ayoko mag undergo ng tutusukin na nman ako!

Continue reading below ↓

“I’d rather die kesa injectionan ako!

“Hindi ko makalimutan nung cnaksakan ako ng steroids, kamakailan... daig ko pa ang nanganak sa sakit!!!

“Anong tingin nyong procedure ang gagawin next sa akin?”

Kalakip ng Facebook status ni Marissa ang screen shot ng resulta ng kanyang MRI at ang pag-aming "feeling scared" siya sa kondisyon ng kanyang balikat.

Continue reading below ↓

GORGY RULA: August pa lang noong nag-fundraising para sa pinsan niyang si Hershey, namimilipit na si Marissa.

Mas matindi ang kirot noong October 20 event ng Kasuso Foundation, pero tiniis niya at hindi siya nagpahalata.

November 6, Martes, nang pumunta siya sa burol ng kanyang Kuya Rico.

Wala siya sa necrological service at eulogy noong November 7, dahil iyon ang araw na sumailalim siya sa MRI.

Maliban sa November 23 tribute kay Rico J, pinaghahandaan ni Marissa ang 25th anniversary concert niya, slated on November 30 sa Historia Boutique Bar & Restaurant sa Quezon City.

Pinamagatan iyong Happy Birthday mo na, Marissa Sanchez! 25 Years ka na... sa Showbiz! P500 ang tiket doon.

For ticket inquiries, makipag-alam kay Alexa sa mobile number 0956-884-1815, o sa Historia landline 376-6520.

Continue reading below ↓

NOEL FERRER: Sana nga, gumaling na si Marissa in time for the Music and Laughter concert na pangungunahan nila ni Giselle.

Kasama rin doon ang dalawang anak ni Rico J na sina Tosca at Rox.

Sure na rin ang pagdalo ni Matteo Guidicelli, na request ni Rico J na maging bahagi ng concert bago pa pumanaw ang Total Entertainer.

Sinu-sino pa ba ang celebrity performers sa concert na ito na musical tribute na rin para sa yumaong Rico J. Puno?

Read Next
Read More Stories About
pep troika, PEPalerts
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results