JERRY OLEA: Marami talagang talented sa PAGCOR o Philippine Amusement and Gaming Corporation.
Patutunayan iyan ng dance musical na Dances of the World (Tara! Byahe Tayo!) ngayong Nobyembre 9, Biyernes, 7 p.m., sa Tanghalang Nicanor Abelardo ng Cultural Center of The Philippines (CCP) sa Pasay City.

(Seen in the photo are PAGCOR VP for Human Resource Atty. Lizette Mortel, PAGCOR Chairman and CEO Andrea Domingo, CCP President Arsenio Lizaso, and PAGCOR AVP for Entertainment Bong Quintana.)
Sampung grupo ng PAGCOR employees ang magtatagisan sa pagtatanghal ng mga sayaw ng iba’t ibang bansa.
“Kahit off hours nila, nagpapraktis sila,” sabi ni PAGCOR Chairman and CEO Andrea Domingo noong Martes sa main lobby ng CCP.
“Talagang masyadong matindi yung kanilang competitive spirit. It only shows the Filipinos’ natural capability of art and also of sport.”
Ang malilikom sa paligsahang ito ay para sa scholars ng PAGCOR—na may 200 scholars sa kasalukuyan at madadagdagan ng 100 sa susunod na batch ng scholars na pipiliin.
Ayon kay Bong Quintana, Assistant Vice President for Entertainment, pitong minuto ang pagtatanghal ng bawa’t grupo.
May 25 members ang each group, pero dapat ay hanggang 15 lang ang performers na nasa entablado.
Bawal gumamit dito ng apoy. Bawal ding pumatay ng hayop sa pagtatanghal.
Ang criteria for judging ay nahahati sa creativity and ingenuity (20%), choreography (30%), costume (20%), music (20%), at over-all impact (10%).
Ang cash prize para sa kampeon ay PHP200,000, para sa first runner-up ay PHP150,000, at para sa second runner-up ay PHP100,000.
Ang consolation prize para sa mga talunan ay P50,000.
Meron din ditong pa-raffle para sa audience.
Grand prize ang brand new Toyota Innova worth P1.5M.
Ang second prize ay PHP500,000 in cash at ang third prize ay PHP300 in cash.
GORGY RULA: Ang isa sa aabangan mamaya sa show ng PAGCOR ay ang special participation ni PAGCOR Chairman Andrea Domingo, na matagal na palang nagbu-ballroom dancing.
Latin ang madalas niyang sinasayaw.
Sumasali pa pala siya sa ilang ballroom competition.
Pantanggal stress niya at exercise na rin ang pagsasayaw.
Sabi niya, kung di siya mabalian sa rehearsal, itutuloy niya ang pagsasayaw mamayang gabi.
JERRY OLEA: Ikalawang taon ito ng pagtatanghal ng PAGCOR employees sa CCP.
Prestigious!
Last year, iba’t ibang sayaw ng Pilipinas ang itinampok. This year, pang-international naman.
May special production number dito tampok ang ating mga sayaw.
Nakaiindak!
NOEL FERRER: Whatever happened sa plano ng PAGCOR na gawing mala-Hollywood na entertainment strip ang Macapagal Road?
For sure, kayang-kaya natin to come up with world class shows with our world class talents!