International beauty title, mailap pa rin sa Pilipinas ngayong 2018

International beauty title, mailap pa rin sa Pilipinas ngayong 2018
by PEP Troika
Nov 9, 2018

JERRY OLEA: Wagi si Mariem Velazco ng Venezuela sa 58th Miss International nitong Nobyembre 9, Biyernes, sa Tokyo, Japan.

Siya ang ikawalong Miss International mula sa Venezuela (na nagwagi rin sa mga taong 1985, 1997, 2000, 2003, 2006, 2010, at 2015).

First runner-up ang kinatawan natin na si Maria Ahtisa Manalo.

Miss International 2018 winners
 IMAGE Screen grab from YouTube
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Anim ang mga korona ng Pilipinas sa timpalak na ito (1964, 1970, 1979, 2005, 2013, at 2016).

Tigtatatlo ng Miss International ang mga bansang Spain, Colombia, Poland, Australia, at USA.

Tigdadalawa ang Puerto Rico, Mexico, Norway, Germany, Costa Rica, at Great Britain.

Kapapanalo lang ni Narriman Battikha ng Venezuela sa 28th Reina Hispanoamericana, kung saan ang kalahok nating si Alyssa Muhlach Alvarez ay ligwak ganern sa Top 10.

Tatlumpo ang kandidata roon.

Pito na ang korona ng Venezuela sa Reina Hispanoamericana, samantalang nakalima ang Brazil, tig-apat ang Bolivia at Colombia, at tigdalawa ang Ecuador at Paraguay.

Nakaisa pa lang tayo roon, si Winwyn Marquez na kasasalin pa lang ng korona noong Nobyembre 3 sa Santa Cruz, Bolivia (Nobyembre 4 ng umaga sa Manila time).

Sa 18th Miss Earth noong Nobyembre 3 sa SM Mall of Asia Arena, wagi si Nguyen Phuong Khanh ng Vietnam.

Miss Earth-Air ang Austria. Miss Earth-Water ang Colombia. Miss Earth-Fire ang Mexico.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Parehong pasok sa Top 8 ang Pilipinas at Venezuela.

Nakawiwindang, nakatutuliro, nakatitigalgal, nakasu-shookt ang sagot ng kinatawan natin nang pagpaliwanagin kaugnay sa #malnutrition.

So far, apat na ang Miss Earth ng Pilipinas, samantalang tigdadalawa ang Venezuela, Ecuador, at Brazil.

GORGY RULA: Isa sa all-out ang suporta kay Ahtisa Manalo ay ang last year’s Bb. Pilipinas-International na si Mariel de Leon.

Maaga pa lang ay nag-post na si Mariel sa Instagram na "100%" ang tiwala niyang magwawagi si Ahtisa.

Bahagi ng mensahe niya para kay Ahtisa, “You have my support and the support of the whole country! Just have fun! Leave it all up to Him!”

Pagkatapos tanghaling first runner-up si Ahtisa, kaagad nag-post si Mariel ng pagbati.

At least, meron nang first runner-up sa mga kandidata nating sumali sa international beauty competition.

Matatakpan kaya nito ang isyung sexual harassment sa Miss Earth?

NOEL FERRER: Kahit si dating Miss International Precious Lara Quigaman-Alcaraz ay nagbigay ng mensahe na nagkatotoo naman kay Athisa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang ganda lang na sinusuportahan natin ang ating kababayan!

JERRY OLEA: Ang 68th Miss World ay gaganapin sa Disyembre 8 sa Sanya, China.

So far, tig-anim ng Miss World ang Venezuela at India. Lima ang Miss World mula sa United Kingdom.

Tigtatatlo ang South Africa, USA, Iceland, Jamaica, at Sweden. Tigdadalawa ang Puerto Rico, China, Russia, Peru, Austria, Germany, Argentina, Australia, at Netherlands.

Isa pa lang ang Pinay, si Megan Young.

Ang 67th Miss Universe ay gaganapin sa December 17 sa Bangkok, Thailand.

So far, nakawalong Miss Universe na ang USA. Nakapito ang Venezuela.

Nakalima ang Puerto Rico. Tigtatlo ang Pilipinas at Sweden.

Tigdadalawa ng Miss U ang South Africa, France, Colombia, Mexico, Japan, Canada, Australia, India, Trinidad and Tobago, Brazil, Thailand, at Finland.

Ang 47th Miss Intercontinental ay gaganapin sa Enero 26, 2019 sa SM MoA Arena.

So far, tiglima ng Miss Intercontinental ang Venezuela at USA.

Nakaapat ang Puerto Rico. Tigtatlo ang Russia at Germany. Tigdadalawa ang Colombia, Lebanon, Curacao, Brazil, at India.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Waley pa ang Pilipinas nating mahal.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results