Christian Bables at non-showbiz girlfriend, nagkabalikan na

by PEP Troika
Nov 10, 2018

GORGY RULA: Interesado po ba kayong malaman na nagkabalikan na si Christian Bables at ang non-showbiz girlfriend niya?

 IMAGE Noel Orsal

Tila napilitan si Christian na amining nagkabalikan sila ng ex-girlfriend niya nang tanungin ng PEP Troika kung committed ba siya to a special someone nitong nakaraang November 8, Thursday, sa presscon ng pelikulang Recipe for Love.

Continue reading below ↓

“Oo,” parang naalangan niyang sagot.

“Siya pa rin yung dati, nagbalikan lang kami.

“Kasi mas naintindihan niya yung trabaho ko ngayon,” dagdag niyang pahayag.

Ayaw niya sanang pag-usapan pa ito dahil mas gusto nilang tahimik lang at hindi na i-showbiz ang kanilang relasyon.

Sa pagkaalala ko sa mga nakaraang interview sa aktor, nag-break na sila ng girlfriend niyang mas matanda sa kanya ng thirteen years kaya ayaw na muna niyang makipag-date at pumasok sa panibagong relasyon.

Iyun pala, nagkabalikan na sila.

Suportado ng girlfriend niya ang pagiging artista niya, pati na itong pelikula niyang Recipe for Love na magsu-showing na sa November 21.

Sasamahan kaya si Christian ng non-showbiz girlfriend niya sa premiere night ng naturang pelikula?

NOEL FERRER: Sure po ba tayo sa balitang ito?

Kung totoo man, e siguro napaka-understanding ng girlfriend ni Christian para maintindihan ang pinagdadaanan ng kanyang karelasyon.

Uso yang mga ganyan ngayon—may malawak na pag-iisip at overpowering ang pagmamahal—maging sino o ano ka man.

Continue reading below ↓

Such must be their recipe for love. Iba-iba tayo! Kanya-kanyang panlasa na lang, di ba?

JERRY OLEA: Thirteen years lang ang agwat ng kanilang edad, hindi thirty.

Hindi #Glorious level.

Sa pelikulang Signal Rock ay feel na feel ni Christian ang pumping scene with Elora Españo.

Kaya hindi ako magtataka kung alam ni Christian ang recipe for passion and romance para yumabong pa ang pagmamahalan nila ng kanyang kasintahan.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results