NOEL FERRER: Sa 1st anniversary celebration ng PEP Troika, nagkaroon tayo ng exclusive interview with Hans Montenegro sa Level Up Showbiz Saturdate sa Radyo Inquirer.

Here are some of the memorable things that he said:
1. On the #MeToo Movement
“Namolestiya ako noong 13 years old ako.
“I didn’t feel good about not doing anything then.
“Coming forward with my story and learnings will hopefully inspire victims to understand that there is strength in numbers and that we should support each other; and for our colleagues in power to sanction the perpetrators.
2. On his daughter Ashley (by Cara Subijano)
“I am happy that Cara and I and her new partner are ok, and are good co-parents to our daughter who has decided to stay and live with me and my wife [Marilen Faustino].
“Ashley is showing inclinations of becoming a beauty queen, but I want her to train and finish her studies first.”
3. Hans corrected a GMA Online report. “I don’t have a son by Maritoni Fernandez.”
Hans has a Masters Degree in Psychology major in Counseling and it has helped him in his career in Human Resource and in his family life.
Nang tanungin namin siya kung bukas pa rin siya sa buhay-showbiz at media, ang sabi niya, basta ba may magagawa siyang ikabubuti ng nakararami at pinagkakatiwalaan niya ang mga kasama ay puwede naman.
Sa ngayon, abala muna siya sa pagse-set up ng Information Technology system ng Manulife.
JERRY OLEA: Makabuluhan at napapanahon ang salaysay ni Hans kaugnay sa sexual harassment.
Buong ningning niyang itinanggi noong una ang ginawa sa kanya kahit naka-video (VHS tape pa lang, sa pagkatanda ko) iyon.
Umiral ang kanyang hiya at takot.
Sa dinami-dami ng mga lalaking minolestiya at vinideo, walang nagreklamo kahit pa umabot ang usapin sa Senado.
Nawala si Hans sa eksena nang matagal, at sa pagbabalik niya ay saka pa lang siya nagkaroon ng lakas ng loob na aminin sa panayam ni Paolo Bediones na totoo ang pagmomolestiya sa kanya.
May mga aral na natutunan si Hans sa karanasan niyang iyon.
Hanggang ngayon, marami tayong naririnig na kuwento ng sexual harassment sa showbiz.
Ang isyu ng sexual harassment sa Miss Earth 2018 ay kailangang linawin, bungkalin at siyasatin ang katotohanan.
Interesado tayong makausap muli si Ambra Gutierrez sa kanyang pagbabalik sa Pilipinas sa Nobyembre 22 at 23 para ma-update tayo sa kaso niya sa disgraced Hollywood mogul na si Harvey Weinstein.
Nakaabang din tayo kung ibubunyag ng isang lalaking modelo (na kapapanalo pa lang sa isang timpalak) ang panghahalay sa kanya ng powerful executives ng isang network.