Sexual harassment, bawal na bawal sa Mr. Continental International 2018

by PEP Troika
Nov 11, 2018

JERRY OLEA: Tatlong titulo ang pinaglalabanan sa Mister Continental International 2018.

Ang Mr. Continental International ay may cash prize na US$5,000 in cash and in kind.

Ang Mr. Continental International-Tourism ay mag-uuwi ng US$3,000, samantalang ang Mr. Continental Ambassador ay magtatamo ng $2,000.

At press time ay 22 ang kumpirmadong kalahok dito.

Ang kinatawan ng Pilipinas ay ang 20 anyos na si Kurt Michael Primicias ng Calasiao, Pangasinan.

Kurt Michael Primicias
 IMAGE Jerry Olea
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang grand finals ay gaganapin sa Nobyembre 15, Huwebes, 8:00 PM sa Teatrino, Promenade, Greenhills, San Juan City.

Kurt Michael Primicias
 IMAGE Jerry Olea

Bawal na bawal ang sexual harassment sa Mr. Continental International 2018.

Ayaw ng organizers ng timpalak na ma-Miss Earth!

“Hindi natin maiiwasan ang mga ganyang isyu pagdating sa mga pageant, whether for male or female,” pahayag ni Rodell Salvador (fashion director na President/CEO ng timpalak) nang makausap ng PEP Troika sa photo shoot ngayong Linggo ng hapon, Nobyembre 11, sa Eurotel Vivaldi Residences, EDSA, Cubao, QC.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Lalo na sa male, nata-tag ang male pageantry na laganap daw sa bugawan. But rest assured na itong aming event ay very legitimate.

“We are very aware sa mga ganyang isyu at concerns.”

Pagdidiin ni Childe Libertad (pageant director at vice president ng timpalak), “This is a prestigious male pageant in the Philippines. Very careful kami sa isyung gaya ng sexual harassment.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“We’ll make sure na walang mga ganyang kaganapan dito!”

(L-R): Childe Libertad (pageant director & VP), Rodell Salvador (president/CEO), and Benjie Chua (isa sa board of directors)
 IMAGE Jerry Olea

NOEL FERRER: Ibang klase yung sponsor ng Miss Earth 2018 na bumuwelta sa mga paratang ng tatlong banyagang kandidata.

Kesyo hindi niya magagawa yung panghihipo ng kandidata sa publiko, at hindi siya nag-aya na dalhin sila sa Boracay, kundi ang mga kandidata raw mismo ang nagprisintang pumunta sa Boracay pagkatapos ng pageant.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Oh well, naghihintay pa rin ang publiko ng kaukulang aksyon tungkol dito.

Marahil, may safeguards sa implementation ng rules sa Mr. Continental International 2018.

Transparency at system of constant checks & balances ang kailangan.

Read Next
Read More Stories About
sexual harassment
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results