Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Cristina Gonzalez, muling umalma tungkol sa blind item

by PEP Troika
Nov 12, 2018

JERRY OLEA: Nagsusumigaw ang pagpalag ni Tacloban City Mayor Cristina Gonzalez Romualdez sa tsismis na hiwalay sila ng asawang si Alfred Romualdez, na kesyo may kabit siya.

 IMAGE Facebook

“THERE IS A DELIBERATE CONCERTED EFFORT TO BESMIRCH MY REPUTATION AS A WIFE, MOTHER AND ULTIMATELY AS A WOMAN,” post ni Cristina sa Facebook nitong Nobyembre 11, Linggo nang gabi.

Continue reading below ↓

Nalulungkot si Cristina na may mga taong naninira sa kanya dahil sa pansariling agenda ng mga ito.

Dagdag ni Cristina, “SOME WILL DO EVERYTHING TO DESTROY ME AND MY FAMILY WITH THEIR LIBELOUS REPORTING.”

Katuwiran ni Cristina sa pagpatol sa blind item na halatang tumutukoy sa kanya ay dahil layunin niyon “TO STRIP ME OFF MY DIGNITY AS A MOTHER WIFE AND A WOMAN.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

“THAT IS A LIE. ITS AIM IS TO DESTROY ME.”

Tinukoy ni Kring-kring (palayaw ni Cristina) sa Facebook nitong Nobyembre 12, Lunes nang umaga ang nakakakrung-krung na blind item.

Aniya pa, “I grew UP in a HOME where my Mother WAS ALWAYS faithful to my FATHER BEING MARRIED for 50 YEARS.

“She WAS my example OF BEING a faithful wife. With OUR FAMILY intact.

“I’m a Christian and malaki ang takot ko sa Diyos.

“ALSO I took my MARRIAGE vows VERY seriously.”

NOEL FERRER: Nangangamoy demandahan ba ito ng libelo?

Continue reading below ↓

May bahid politika ba ang pag-besmirch sa kanyang reputasyon?

Nanganak nang nanganak ang tsismis kina Cristina at Alfred.

Andiyan ang hanash na kesyo may ibinabahay nang ibang babae si Alfred, at may tsika rin na nagkasundo sila kaya magkasama na uli ng tirahan.

Abangan ang susunod na kabanata!

GORGY RULA: Ang tingin ko kasi diyan, ang isa sa ikinasasama ng loob ni Mayor Cristina, miyembro rin ng pamilya ang nagkukuwentong may problema sila ng asawa niya.

Hindi maganda ang kuwentong kinakalat tungkol sa kanilang mag-asawa, na malamang nakarating din iyan sa Tacloban mayor.

Kung may pinagdaanan nga silang mag-asawa, sana maayos nila iyan.

Read Next
Read More Stories About
pep troika, Cristina Gonzalez
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results