Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Dayanara Torres, engaged na sa Marvel Studios producer

by PEP Troika
Nov 12, 2018

NOEL FERRER: Engaged to be married si Miss Universe 1993 Dayanara Torres sa Marvel Studios film producer na si Louis D’Esposito.

Ang sabi ni Dayanara sa kanyang IG account: "He asked and I said YES! Dije Que Si... Me siento Biendecida. Blessed to have you in our lives."

Sa hashtags niya, heto ang kanyang sinabi: "God is good. God’s timing is perfect. My sons love you. I love you. My. soulmate."

Si Dayanara ay isang Puerto Rican actress, singer, model, writer, and beauty queen na pagkatapos ng kanyang reign bilang Miss Universe ay sumabak sa showbiz dito sa Pilipinas.

Naging girlfriend siya ng aktor na si Aga Muhlach.

Ikinasal siya sa kilalang singer-performer na si Marc Anthony noong 2000 at mayroon silang dalawang anak na lalaki—sina Cristian Marcus at Ryan Adrian.

Noong 2004 ay nagdiborsiyo sila.

Sino ang mag-aakalang makahahanap ng pangalawang glorya si Dayanara sa piling ni Louis?

Congratulations, Yari! Kailan ka babalik muli sa ‘Pinas?

Continue reading below ↓

JERRY OLEA: Love love love ng mga Pinoy si Dayanara at maraming magagandang alaala ang iniwan niya sa Pilipinas.

Mainit pa rin ang pagtanggap sa kanya ng mga Pilipino nang bumalik siya rito noong Enero 2017 para mag-judge sa Miss Universe.

Sabi pa niya sa interbyu, handa siyang magtrabaho muli sa Pinoy showbiz — sa dance show sa TV, or movie with Aga Muhlach.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Malabo na yun!

GORGY RULA: Nang ginanap ang Miss Universe dito noong 2017, dumating si Dayanara at sinabing may gagawin siyang show rito.

Ang usap-usapan, babalik siya ng ASAP.

Pero hindi na siya nakabalik at mayroon pa siyang nakabinbing endorsement.

Naunsiyami ang pagbabalik niya sa showbiz dito sa atin.

Makakabalik pa kaya siya sa Pilipinas o magpu-focus na lang siya sa kanyang bagong pamilya pagkatapos nilang magpakasal ni Louis D’Esposito?

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results