Vic Sotto at Pauleen Luna, lumipad patungong Japan para gumawa ng baby

GORGY RULA: Pagkatapos ipagdiwang ng mag-asawang Vic Sotto at Pauleen Luna ang 1st birthday ni Baby Talitha Maria kahapon November 11, tumulak ang mag-asawa patungong Japan para magbakasyon ngayong araw, November 12.

 IMAGE Pauleen Luna Instagram

Silang dalawa lang ang umalis na parang nag-honeymoon na rin sila uli.

Gusto kasi ni Pauleen na sundan si Baby Tali habang kaya pa nila ni Vic.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung si Pauleen ang masusunod, sapat na sa kanyang magkaroon ng isa lang kapatid si Baby Tali para madali nilang alagaan.

Pero minsan ay naiisip ni Pauleen ang sinasabi ng mommy niya na kung alam lang nilang maagang mag-aasawa ang actress-TV host, sana ay nagdagdag sila ng isa pang anak.

Isa lang ang kapatid ni Pauleen.

Noong nag-asawa ito at humiwalay na sa pamilya, nalungkot ang mommy at daddy niya.

“Kasi, dalawa lang kaming magkapatid di ba? Nu’ng nag-asawa ako, parang nanibago sina Mommy na nabawasan sila ng kasama sa bahay.

“Sabi nga niya sa akin, ‘Sana, nag-anak ako nang nag-anak para di ako gaanong nalungkot nung nag-asawa ka,” kuwento ni Pauleen.

Kapag naiisip niya ang sinasabi ng mommy niya, parang gusto na rin ni Pauleen na magkaroon sila ni Vic ng maraming anak.

Magiging ‘made in Japan’ kaya ang susunod na baby nina Vic at Pauleen?

JERRY OLEA: Iba ang sitwasyon ni Pauleen sa sitwasyon ng nanay niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Halos magkaedad ang parents ni Pauleen.

Sina Vic at Pauleen, malaki ang agwat ng edad.

Si Vic ay 64 na, habang 30 pa lang si Pauleen.

Pakiwari ko ay KAYA ni Vic na makabuo kahit ng sandosena pang anak, pero GUSTO ba niya ang ganoon pa karaming mga anak?

NOEL FERRER: Strike while the iron is hot!

Couples should really have their time together.

Ang saya lang na kahit magbakasyon sina Bossing Vic at Pauleen ay okey ang projects na maiiwan nila—like Eat Bulaga, ang umaariba sa ratings na Daddy’s Gurl, at kahit na ang MMFF 2018 entry ni Vic with Coco Martin at Maine Mendoza, na ang sabi ng screening committee ay mas maganda pang lumabas noong natapos na.

Biyaya nga kaya ang hatid ng bakasyong ito? Harinawa!

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close