GORGY RULA: Parehong kalbo ang dalawang bidang sina Alessandra de Rossi at Paolo Contis nang dumalo sa premiere ng pelikula nilang Through Night And Day sa SM Megamall kagabi, November 12.
Tumama ang biro ni Paolo sa nakaraang interview namin sa kanyang "mukhang lalaki" si Alessandra kaya hindi sila na-link romantically.
Kahit ito ang una nilang pagtatambal sa pelikula, kumportable at wala silang ilangan.
“Barkada, e. Naging schoolmate ko pa iyan sa DLC, e," ani Paolo, na ang tinutukoy ay ang Distance Learning Center ng ABS-CBN, kung saan sila nag-aral ni Alessandra noon.
Gamay na raw nila ang kakulitan ng isa't isa.
Paglalarawan pa ni Paolo kay Alessandra: “Masaya siyang kasama sa group, e. Para siyang one of the boys, e. Kaya nga feeling ko, okay rin yung ano namin.
“Yung humor ko, panlalaki, e. So, ano siya, hindi siya nao-offend sa kung ano man.
“Malaking bagay na yung parang one of the boys siya.
“Matagal na kaming magkakilala.
"I think it helps na wala ka nang hiya-hiya."
Thankful siya kay Alessandra dahil siya ang kinuha sa pelikulang ito.
Ito kasi ang first movie ni Paolo na leading man siya.
Ilang pelikula na ang pinagbidahan niya, pero marami silang lead stars at never pa siyang nakuhang solo leading man.
Biro pa ni Paolo, ngayon lang niya ini-enjoy ang pagiging leading man pati ang restrictions na kaakibat nito.
“Tawang-tawa ako sa Bubble Gang nung isang araw. Dapat magpe-pekpek shorts ako.
"Ang sabi ko, ‘Direk, hindi na pala puwede. Leading man na ako, e. Meron na akong image ngayon.'"
Pero sa totoo lang, hindi raw niya nakikita ang sarili na isang leading man na merong ka-love team.
"Hindi ko kasi kayang magsumpaan kayo nang magsumpaan bawat presscon, na kailangan pag leading man ka, ganun ang mata mo," saad ni Paolo, sabay muwestrang nagpapapungay ng mata na kunwari'y in love sa ka-love team.
Patuloy niya, "Hindi ko kaya, e. Saka mukha akong gago.
"Siyempre, iba pa rin yung mga leading man talaga.
"Pero ngayon, mas adventurous na yung mga moviegoers, e. Mas open na yung tao to the story, to the material."
Umaasa si Paolo na magugustuhan ng mga manonood ang kuwento nitong Through Night and Day, na magsu-showing na bukas, November 14.
NOEL FERRER: Graded A ng Cinema Evaluation Board ang Through Night And Day mula sa Viva Films.
Dahil maayos ang istorya at mahuhusay ang mga artista, sana ay kumita ito para ma-encourage lalo ang mga producer na gumawa ng dekalidad na pelikula.
Nakakatuwa na ang writer na si Noreen Capill ay nag-ala movie star din sa ayos nito sa premiere night ng pelikula.
Good luck kina Alessandra at Paolo—another underdog teamup na parehong mahusay umarte!
JERRY: Kumita nang bonggang-bongga ang Kita Kita kung saan katambal ni Alessandra si Empoy Marquez.
Iyong next movie na pinagbidahan ni Alessandra, hindi ko na maalala through night and day kung sino ba.
Graded A itong bagong movie ni Alessandra katambal si Paolo, at trailer pa lang ay interesting ang kanilang interaction.
Harinawang tangkilikin ito ng moviegoers.