Magic Land nina Peque Gallaga at Lore Reyes, inihahanda para sa MMFF 2019

Magic Land nina Peque Gallaga at Lore Reyes, inihahanda para sa MMFF 2019
by PEP Troika
Nov 13, 2018

GORGY RULA: Si Miggs Cuaderno pala ang bida sa pelikulang Magic Land na isinulat at idinirek ni Peque Gallaga kasama si Lore Reyes.

 IMAGE Screen cap from Wakas

(Seen in the photo are Direk Lore and Direk Peque.)

Malaking fantasy movie ito na iprinodyus ni Congressman Albee Benitez ng third district ng Negros Occidental.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakapanayam namin ang congressman-producer nang makasama namin itong mag-dinner sa Hong Kong, noong Sabado, November 10. 

Ihahabol sana nila ang Magic Land sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2018, pero hindi umabot sa deadline kaya pagagandahin pa raw nila para i-submit sa MMFF 2019. 

Kuwento pa ni Congressman Albie, medyo madugo itong pelikula dahil orihinal ang characters na nababagay sa fantasy movie ang binuo ni Direk Peque. 

Plano raw niyang magpagawa ng life-size replica ng mga ito upang magamit sa ipinapatayo niyang malaking theme park sa Negros.

Naisip niyang magandang promo na rin itong pelikula sa pagbubukas ng ipinagawa niyang theme park.

Wala raw mga sikat na artista, kundi mga bata ang mga bida ng pelikula na pinangungunahan ni Miggs Cuaderno.

 IMAGE @miggscuaderno on Instagram
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Tapos na ang principal photography ng movie, at nasa post production na ito.

Excited ang congressman-producer sa kalalabasan ng pelikula ngayong nilalapatan na ito ng matitinding effects at 40% ang animation.

Umaasa si Congressman Albee na tatangkilikin ng mga manonood ang Magic Land

Matatapos na kasi ang term niya bilang congressman sa Negros at wala siyang balak na tumakbo ulit sa 2019 elections. 

Isa raw sa gusto niyang pagkaabalahan pagkatapos ng eleksyon ay mag-produce ng marami pang pelikula.

Isa pala siya sa co-producers ng pelikulang Buy Bust na pinagbidahan ni Anne Curtis. 

Sabi pa ni Congressman Albie sa plano niyang mag-co-produce in the future: 

“Okay yung mga simple lang, pero maganda ang kuwento. Yun ang mga gusto kung sana na i-produce." 

 IMAGE Gorgy Rula
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

(Seen in the photo are (L-R) Lolit Solis, Pat-P Daza, Congressman Albee Benitez, and Julie Yap-Daza.)

NOEL FERRER: Star-studded ang supporting cast members ng pelikulang Magic Land (o Magik Land?), sa tulong ng mga artistang nagmamahal kina Direk Peque Gallaga at Direk Lore Reyes.

Ang alam ko, nandiyan sina Jaclyn Jose, Agot Isidro, Rowell Santiago, Adrian Alandy, Jackie Lou Blanco, Maricel Laxa, at marami pang iba.

Hindi ko lang alam kung natuloy sina Dingdong Dantes, Ian Veneracion, Tom Rodriguez, Solenn Heussaff, at Anne Curtis.

Whoever became part of the final cut ay dapat matuwa dahil kasama sila sa isang “magical” na obra ng film masters.

Kakatuwang magagaling din ang mga napiling batang aktor na bida tulad ni Miggs Cuaderno.

Sana nga, marami pang magagandang pelikulang ipoprodyus si Congressman Albee na magbibigay ng ibayong sigla sa ating industriya.

JERRY OLEA: Sina Direk Peque Gallaga at Lore Reyes din ang creators ng sikat na '90s fantasy film na Magic Temple

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Baguhan din noon ang mga bida ng pelikula na sina Jason Salcedo, Junell Hernando, at Marc Solis.

Wagi ito sa 14 na kategorya ng 22nd MMFF noong 1996—kabilang rito ang best film, best director, best screenplay, best original story, Gatpuno Antonio J. Villegas Cultural Award, at best float.

Nagustuhan ko ang movie, at wagi rin ito sa takilya.

Nang sumunod na taon ay may MMFF entry uli sina Direk Peque at Direk Lore—ang Magic Kingdom (Alamat ng Damortis).

Hindi ko ito nagustuhan. Matamlay ito sa takilya, kaya ngayon lang muli masusundan.

May sapat pang panahon para pagpasyahan kung Magic Land o Magikland ba ang gagamiting title nito.

Puwedeng magpa-survey, di ba?

Dalangin natin na mag-magic sa awards at takilya ang magagandang pelikula ng mga de kalibreng direktor na tulad nina Peque at Lore.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results