GORGY RULA: Inaasahang makalalabas na ng kulungan si Keanna Reeves ngayong Martes, November 13.
Kinumusta ng PEP Troika ang kalagayan ni Keanna sa isang taong malapit sa kanya.
Hinihintay na lang daw ang clearance para ma-release na ang sexy star sa CIDG sa Cabuyao, Laguna.

Nakapagpiyansa na siya ng P90,000 sa tulong ng PAO lawyers ni Atty. Perfida Acosta.
Ilan pa sa tumulong kay Keanna na makapagpiyansa at makalabas ng kulungan ay sina Arnell Ignacio at Atty. Sal Panelo.
“Pinabayaan kasi siya ng abugado niya,” pakli ni Arnell nang tinawagan ng PEP Troika habang nasa isang OWWA event sa Cagayan de Oro.
“Sa telepono na lang ako nag-coordinate na makapagpiyansa siya, kasi nandito pa ako sa Cagayan."
Dagdag ni Arnell, “Nakakaawa naman kasi si Keanna. Pinahiya talaga siya nung nagdemanda sa kanya.”
Akala yata ni Keanna, madali lang harapin itong cyberlibel na isinampa laban sa kanya, kaya ipinagkatiwala niya ito sa kanyang abugado.
Hindi siya nakakadalo sa hearing dahil hindi rin daw pala naasikaso ng abugado niya.
Nakarating na rin daw kay Atty. Ferdie Topacio ang nangyari kay Keanna, kaya nangako itong tutulungan ang sexy star sa kaso nito.
Magsilbing-aral sana ito sa mga taong mahilig mag-post ng kung anu-ano laban sa mga taong kagalit nila.
Dapat mag-ingat ka sa mga ipinu-post mo sa social media.
NOEL FERRER: So, markado na si Keanna Reeves?
Paano niya malulusutan ang isyung ito?
Aral din ito sa mga mahilig mag-post sa social media ng kanilang mga saloobin.
Sana nga ay ma-educate pa tayo lalo na sa saklaw ng cybercrime law.
Ignorance of the law is not an excuse.
JERRY OLEA: “Pagkahaba-haba man ng talakan, ang bagsak pa rin ay kulungan.”
Sa tingin ninyo, makasisira sa image ni Keanna ang maposasan, kunan ng mug shots, at humimas ng mga rehas na bakal?
Or in the end, blessing-in-disguise ito na makatutulong sa kanyang career?
‘Tsura ng Bulaklak sa City Jail at Mga Bilanggong Birhen!