Dingdong Dantes, ayaw pang kumpirmahin kung lalaki ang second baby nila ni Marian Rivera

GORGY RULA: Nalaman na ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera kung ano ang gender ng pangalawa nilang baby.

Nabanggit noon ni Marian sa press launch ng renewal ng endorsement niyang Nailandia na sa November 20  siya magpapa-check up at doon na raw malalaman kung baby boy o girl ang kanyang ipinagbubuntis.

Pero sa presscon ng Cain at Abel nitong Martes ng gabi, November 13, inamin ni Dingdong na alam na nila ang gender ng baby nila ni Marian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
 IMAGE Noel Orsal

Ngumiti lang ang Kapuso Primetime King nang tinanong namin kung baby boy ba ito.

Tinanong din namin kung lalo ba siyang na-excite nang nalaman ang gender ng kanilang magiging baby.

“Basta, nung nalaman kong buntis siya, na-excite na ako,” safe na sagot ni Dingdong.

Lalo naming kinulit si Dingdong sa gender ng baby, pero ngumingiti-ngiti lang siya.

“Alam niyo, kahit ano pa ang dumating, blessing yun, e,” sabi pa niya uli.

Madalas daw nilang kinakausap si Zia na magiging ate na ito.

“Ate” na ang tawag nila sa bagets, at kinukundisyon na nila ang anak na maging responsableng kapatid ito.

Ayon kay Dingdong, "Hindi ko alam kung maiintindihan na niya ang konseptong yun at three years old, but talagang binu-bombard mo ang mga ganung salita, mas naa-absorb niya."

Tinanong namin si Dingdong kung may naisip na silang pangalan para sa kanilang magiging second baby.

“May mga pinaglalaruan nang pangalan,” safe ba sagot niya ulit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Basta hindi lang dalawa, kundi marami raw silang ipapangalan sa baby.

Ngiti ulit ang sagot ni Dingdong nang muli naming tinanong kung may Junior ba, o may Sixto at number sa name na mapipili nila.

Abangan na lang daw bago ang birthday ni Zia sa November 23, dahil dun daw nila ia-announce kung baby boy o girl ang kanilang pangalawang baby.

Wala na raw silang Gender Reveal party, dahil bukod sa naghahanda sila para sa kaarawan ni Zia, abala rin si Dingdong sa promo ng Cain at Abel na magsisimula na sa Lunes, November 19, pagkatapos ng 24 Oras.

NOEL FERRER: Sana nga, baby boy na ang magiging kapatid ni Ate Zia.

Mas trick question na may pagka-promo na rin, Tito Gorgy, kung ang tinanong ninyo kung ano ang mas pipiliin niyang pangalan o characteristic na magiging anak nina Dingdong at Marian—kung Cain o Abel?

I wonder kung ano ang isasagot ni Dingdong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

JERRY OLEA: Thank you for that wonderful question, Tito Noel.

I believe, tricky as the question is, it deserves a safe answer.

A new baby, whether he/she has the characteristics of Cain or Abel, is still a blessing.

We should thank the Lord for the blessings He showers upon us. The parents are responsible for the upbringing of their children.

That’s all I can say. And I thank you.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close