Mader Sitang, inakusahang pekeng human rights lawyer sa gitna ng money issue

Mader Sitang, inakusahang pekeng human rights lawyer at inirereklamong maging persona non grata sa Pilipinas.
by PEP Troika
Nov 14, 2018

JERRY OLEA: “Itinuring niya kaming tae!”

Himutok iyan ni Mr. Gay World-Philippines 2009 Wilbert Tolentino tungkol kay Mader Sitang. 

Nakausap namin si Wilbert noong Nobyembre 7, Miyerkules.

Anyare?!

 IMAGE Noel Orsal


Nobyembre 6, Martes ng gabi, lumipad pa-Bangkok si Wilbert at kanyang Philippine entourage para mag-renew ng kontrata sa tinaguriang Internet sensation dala ng viral videos ng hair dance nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong una, humingi raw si Mader Sitang ng 2 million baht (PHP3.2 million).

Kamukat-mukat mo, sabi ni Wilbert, 20 million baht na ang hinaharbat ni Mader Sitang sa kanya nang magkita sila sa airport.

Walang dalang 20 million baht si Wilbert.

Hiningi ni Mader Sitang ang passport ni Wilbert, pero hindi pumayag si Wilbert.

Kinutuban na raw ang promoter at manager...

Tumpak ganern! Mistulang bangungot ang mga sumunod na kaganapan.

Nang dumulog si Wilbert sa consul ng embahada ng Pilipinas sa Thailand, nalantad diumano na peke ang pakilala ni Mader Sitang na isa siyang human rights lawyer.  

Ipinarating ito sa amin ni Wilbert nang magkausap kami sa cellphone noong Nobyembre 7 ng gabi. 

Pahayag ni Wilbert, “Napag-alaman namin na hindi pala siya totoong lawyer! Walang katunayan na nagpadala siya ng tulong sa mga biktima ng Yolanda!

“Ni hindi siya tumulong sa mga kababayan niya noong nagka-tsunami sa Thailand!”

Nobyembre 9, Biyernes ng gabi, umuwi ang grupo ni Wilbert sa Pilipinas.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nobyembre 13, Martes ng gabi, naglabas si Wilbert sa Facebook ng video (13 minutes, 49 seconds) bilang official statement sa nangyari sa kanila ni Mader Sitang.

Noon ito gustong ipadeklarang persona non grata si Mader Sitang sa ating bansa.

Maliban sa video ay may mahabang pasakalye si Wilbert, kung saan sinabi niyang, “Isa lamang pala siyang malaking palabas. Palabas na may pansariling interest. Interest na ganid sa pera...”

NOEL FERRER: Nakalulungkot kung sa ganun mauuwi lahat ng publisidad ukol kay Mader Sitang.

Ibig bang sabihin na ang media—pati ang weekend prime-time show na nag-feature sa kanya—ay nagkulang din sa pagsiyasat sa tunay niyang pagkatao, estado, at interes?

Muli, magandang paalala si Mader Sitang sa atin—na dapat tayong kumilatis lagpas sa palabas.

GORGY RULA: May basehan siguro ‘yang mga rebelasyon ni Wilbert.

Pero hindi lang ako tiyak kung mapapaniwala niya ang lahat ng nakabasa sa post niyang iyon.

Binaligtad kasi niya ang mga papuring sila rin ang nagsabi nang unang dating dito sa bansa ni Mader Sitang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi pa rin lubusang malinaw kung ano ang motibo ng kinilalang Thai Internet sensation. 

Doon pa lang sa isyu ng perang hinihingi ni Mader Sitang, hindi naman siguro lingid sa kaalaman ni Wilbert na bawal magpasok basta-basta ng 20 million baht sa Thailand.

Unless i-declare iyon ni Wilbert pagpasok ng Thailand.

Gusto ba niyang ipahamak si Wilbert kung mahuli ito ng Immigration sa Thailand?

Tingnan natin kung kakayanin ni Wilbert mag-file ng reklamong persona non grata kung wala namang ginawa si Mader Sitang laban sa ating bansa.

Pero interesado pa bang bumalik ni Mader Sitang sa ating bansa?

Siguro, makabubuting kalimutan na lang natin si Mader Sitang.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results