Sanya Lopez at male pageant candidate, nagsalita tungkol sa sexual harassment issue sa Miss Earth 2018

by PEP Troika
Nov 14, 2018


JERRY OLEA: Aware si Jared Matanane sa reklamo ng kababayan niyang si Emma Mae Sheedy laban sa isang sponsor ng Miss Earth 2018.

Si Jared ay kinatawan ng Guam sa Mr. Continental International 2018.  

Kamakailan ay nag-post si Emma Mae, kinatawan ng Guam sa Miss Earth, na nakaranas umano siya ng sexual harassment mula sa isang pageant sponsor.

 IMAGE Noel Orsal / Jerry Olea
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓


“I’ve seen it in the news,” seryosong sambit ni Jared nang makapanayam namin nitong Nobyembre 13, Martes, sa Lafaayette Luxury Suites, Bauang, La Union.

Sa kabila ng isyung sexual harassment sa Miss Earth Organization na nakabase sa Pilipinas, hindi nag-alangan si Jared na sumali pa rin sa isang timpalak sa bansa.

Sa palagay niya, ano ang dapat gawin ng organizers ng Miss Earth?

“I hope that the organization will solve the problem before it escalates further,” mabilis niyang tugon.

Dagdag ni Jared, sana ay siguraduhin ng Miss Earth Organization na maiwas sa kapahamakan ang mga kandidata ng pageant.

Ano ang dapat gawin ng isang kalahok sa beauty pageant upang makaiwas sa sexual harassment?

“Just be professional and know what you’re there for. So, you just gotta get the job done, and focus on what you need to do,” pahayag ng 20-anyos na binata, na may mga ninunong Pilipino.

Ang grand finals ng Mr. Continental International 2018 ay gaganapin sa Nobyembre 15, Huwebes, 8:00 P.M. sa Teatrino, Promenade, Greenhills, San Juan City. 

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

NOEL FERRER: Hinihintay talaga ang mas bold at mas decisive na aksyon ng Miss Earth Organization kung paano nito poproteksiyunan ang mga kandidata ng pageant sa sexual harassment.

Kaninang umaga, sa radio program nina Arnold Clavio at Ali Sotto, ang puntirya ng kanilang blind item ay ang perpetrator ng sexual harassment na nagsu-supply umano ng mga babae sa mga kilalang politiko.

Kasabay nito, naglabas din ang mga beauty queens na sina Bea Rose Santiago at Mariel de Leon ng kanilang saloobin sa #MeToo movement at pinatotohanan ang ganitong pangyayari sa pageants.

Sa Senate Resolution 932, pinabubuksan ni Senator Risa Hontiveros ang Senate floor para sa pagtalakay at pagsisiyasat sa diumano'y mga insidente ng sexual harassment na kinasasangkutan ng ilang Miss Earth 2018 candidates. 

Sana, magkaroon ng mas kongkretong resolusyon ang ganitong pananamantala.

GORGY RULA: Naging paboritong paksa tuloy itong isyu ng sexual harassment kahit sa presscon ng GMA-7 prime-time series na Cain at Abel nitong Nobyembre 13, Martes nang gabi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Natanong si Sanya Lopez tungkol diyan.

Sumasali kasi dati si Sanya sa iba’t ibang beauty contests, kabilang na ang Reyna ng Aliwan sa Aliwan Fiesta ng Manila Broadcasting Company.

Hindi lang maalala ni Sanya kung taong 2015 o 2016 siya sumali, pero nag-first runner up siya noon, at natutuwa siyang na-experience niya ang sumali sa matitinding beauty competition kagaya nito. 

Thankful siya dahil wala siyang na-experience na sexual harassment sa mga kumpetisyon.

“In fairness po sa lahat po na nasalihan ko, nandun po yung respect sa mga kandidata," pakli ni Sanya. 

“Even sa mga co-candidates ko, hindi po ganun yung competition talaga…

"Saka sa amin po kasi, mababait po lahat." 

Mabuti at hindi siya nakaranas ng sexual harassment kahit noong nagsisimula pa lang siyang mag-artista.

Itong pinag-uusapang isyu sa Miss Earth, dapat nilang tapusin dahil marami ang naghihintay kung ano ang gagawing aksyon ng naturang international beauty competition.

Bukod sa Miss Earth, gaganapin din sa Pilipinas ang Miss Intercontinental sa Enero 2019.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ngayon pa lang ay sinisigurado ng producers ng Miss Intercontinental na hindi sila mahaharap sa problema 'tulad ng dinaranas ngayon ng Miss Earth Organization. 


Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results