Solenn Heussaff, handa nang mabuntis sa 2019

by PEP Troika
Nov 14, 2018

GORGY RULA: Next year ay handa nang mabuntis si Solenn Heussaff.

Sinabi ng Kapuso actress na kahit noon pa man ay okay na siyang magka-baby, pero marami pa siyang ginagawa at kahit ang mister niyang si Nico Bolzico ay busy rin.

 IMAGE Noel Orsal

Alam niyo ba na meron palang app si Solenn na sinusunod para hindi siya mabuntis?

Continue reading below ↓

“May app ako na bawal mag-sex in this day. It’s called My Calendar, it’s like a period chart,” kuwento ni Solenn nitong November 13, Martes, sa presscon ng bagong GMA prime-time series na Cain at Abel.

Sinusunod iyon ni Solenn at naiirita si Nico.

“Sabi niya, 'WTF is this?'

“Kasi, parang pag ovulation, bawal." 

Ngayong handa na silang magkaanak ni Nico, puwede pa ring gamitin ni Solenn ang app.

Dito niya puwedeng ma-track kung kailan siya fertile o kung kailan ang best days para bumuo ng baby. 

Dagdag ng Kapuso actress, “Ready na ako for the last three years, ganun din si Nico. 

“We’re ready anytime now." 

Sa ngayon ay abala si Solenn sa Cain at Abel at iba pa niyang programa sa Kapuso network.

Pero next year, medyo maluwag na ang schedule niya.

Kaya nakikita na raw niya ang sariling lumalaki ang tiyan at merong dinadalang baby sa sinapupunan.

“Iba yun. Nandoon yung feeling na you’re carrying a human being. 

Continue reading below ↓

“Only women have the power to do that,” pagmamalaki ni Solenn.

Sinabi rin ni Solenn sa aming panayam na forever Kapuso siya.

Kahit sabihin ng manager niyang si Leo Dominguez na lumipat siya sa kabilang istasyon, hindi raw niya susundin.

Thankful siyang nabibigyan ng magagandang projects, kagaya nitong Cain at Abel, kung saan kasama niya ang dalawang hari ng Kapuso network na sina Dingdong Dantes at Dennis Trillo.

“Working with the two kings of GMA, I’m sure super-ganda 'yan.

“So nice to watch them act together,” saad ni Solenn.

Sa November 19 na eere ang Cain at Abel sa GMA Telebabad, pagkatapos ng 24 Oras

NOEL FERRER: Dalawang revelations ang very telling sa karakter ni Solenn:

1. Na pati sa app ay nakapag-research siya sahil desidido na siyang maging ina. Para ito sa couples na gustong makabuo ng baby.

Medyo kakaiba ito sa nakasanayan nating mga pamahiin na pagsasayaw sa Obando, Bulacan, at iba pang folk practices ng mga Pinoy.

Continue reading below ↓

2. Na kahit udyukan siya ng manager niyang lumipat sa ABS-CBN ay Kapuso siya forever.

Well, there should be a price for Solenn’s loyalty.

JERRY OLEA: Maliban sa teleseryeng Cain at Abel, excited ako sa horror movie ni Solenn na Misterio de la Noche.

Siyempre pa, ang misteryo ng pagiging ina ay bagong kabanata sa buhay ni Solenn.

Cheers sa bagong adventures na susuungin ni Solenn kasama ang mister na si Nico!

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results