Julie Anne San Jose at Benjamin Alves, break na?

by PEP Troika
Nov 15, 2018

NOEL FERRER: Bina-blind item pa sa radyo, pero lumabas na ang mga pangalan nila sa usap-usapan.

Break na raw ba sina Julie Anne San Jose at Benjamin Alves?

 IMAGE Noel Orsal

Grieving pa rin si Ben (based on his IG stories) sa kanyang yumaong ama.

Sa relasyon nila ni Julie Anne, nakapag-grieve na rin kaya siya?

Continue reading below ↓

Sa tingin niyo, maaayos pa kaya ito?

Matatandaang pagkatapos ma-link at di nagtagumpay si Julie Ann sa tambalan with Elmo Magalona at Alden Richards, kay Benjamin siya na-in love.

Paano na kaya siya, Tito Gorgy?

JERRY OLEA: Ever since, wala akong naramdamang kilig kina Julie Anne at Benjamin.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Hindi ako manghuhula pero mabigat ang dating sa akin ng kanilang tandem.

Pakiwari ko ay hindi nakatutulong sa kani-kanyang career ang kanilang relasyon.

Ano kaya kung i-love team na si Julie Anne kay Alden Richards?

Si Maine Mendoza ay na-link kay Juancho Triviño, and then kay Arjo Atayde.

Malay mo, malay ko (Malaysia!)... mag-click sina Alden at Julie Anne sa isa’t isa?

NOEL FERRER: Alam kong dati pang may kilig si Julie Anne kay Alden.

Interesting malaman if the feeling is mutual.

What do you think?

GORGY RULA: As of now, wala pang pahayag si Julie Anne kaugnay sa isyung ito.

Nakausap ko ang ilang taong malapit sa Kapuso singer-actress, wala rin silang masasabi tungkol sa isyung iyan dahil iginagalang na lang muna nila ang pananahimik ni Julie Anne.

Continue reading below ↓

Pero mukhang break na nga ang dalawa, at tila walang balak si Julie Anne na magsalita tungkol sa nangyari sa kanila ni Benjamin.

Hindi na rin siya pinipilit ng mga taga-GMA Artist Center dahil personal niya itong isyu. Nandiyan lang sila para sumuporta sa kung anuman ang desisyon niya.

Pero sa totoo lang, posibleng mabuhay ang tandem nina Alden Richards at Julie Anne dahil nag-react na ang ibang fans nang may nag-post na kuha ng dalawa na nag-uusap.

Siguro, wala yung usapang iyon dahil okay sina Alden at Julie Anne noon pa, lalo na’t magkasama pa sila sa Sunday PinaSaya.

Mas may kilig pa ako rito sa Alden-Julie Anne, kesa sa Benjamin-Julie Anne, huh?!

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results