NOEL FERRER: Nakalulungkot ang sinapit ng mga pelikulang nagbukas kahapon, November 14.
Ni hindi umabot ang mga ito sa one-million gross sa box-office.
Umungos lang nang kaunti ang pelikula nina JM de Guzman at Rhian Ramos na Kung Paano Siya Nawala, na naka PHP700k lang.

Samantalang ang Through Night and Day nina Paolo Contis at Alessandra da Rossi ay naka-PHP600k sa opening day gross.

Dagdag pa ng ating napagtanungang theater owner, tila walang evening crowd ang mga pelikulang nabanggit.
Nasaan na ang local movie fans?
Sana, mag-pick up pa ang attendance ng mga pelikulang ito by sheer good word of mouth.
Wala ba talagang box-office pull ang mga bida? O saturated na ba ang market sa ganitong genre? O talagang bad timing lang?
GORGY RULA: Nakapag-ikot ako sa ilang sinehan, tila tinamad ang mga taong lumabas para manood ng sine.
Ngayon pa lang kasi ang suweldo, kaya inaasahang pi-pick up ito sa weekend.
Mas positibo ako sa Through Night and Day dahil pawang magagandang feedback ang naririnig ko.
Maganda raw talaga ang pelikula, at magaling ang dalawang Fil-Italian actors na sina Alessandra de Rossi at Paolo Contis.
Iyong Kung Paano Siya Nawala nina JM at Rhian, parang ang dali lang mawala sa kamalayan pagkatapos mo mapanood.
Pareho ko pa ring panonoorin ang dalawang pelikula bilang suporta na rin sa mga pelikulang atin.
JERRY OLEA: Kung ano’t ano man, hindi ako magtatanong kung paano nawala agad sa mga sinehan ang pelikula nina JM at Rhian.
Wala... wala akong interes sa kanilang tambalan.
Hindi ako magtataka kung madilim ang sinapit ng tambalan nina Paolo at Alessandra, kahit usap-usapan pang pagkaganda-ganda nito.
Panonoorin ko pa rin ito one of these nights, kung maabutan ko pa ito sa mga sinehan.
Good day... or good night, whatever the case may be.