TNT Boys, inaming crush sina Kathryn Bernardo at Nadine Lustre

by PEP Troika
Nov 15, 2018

JERRY OLEA: Inamin ng TNT Boys kung sinu-sino ang crush nila sa local showbiz sa ginanap na presscon nitong Nobyembre 15, Huwebes, sa 9501 restaurant ng ELJCC Building, ABS-CBN Compound, Quezon City.

TNT Boys
 IMAGE Noel Orsal

Si Kathryn Bernardo ang crush nina Francis Concepcion at Mackie Empuerto, samantalang si Nadine Lustre  ang crush ni Keifer Sanchez.

Continue reading below ↓

Sigurado silang sina Kathryn at Nadine ang crush nila, hindi sina Daniel Padilla at James Reid.

Crush ni Mackie ang kanyang Ate Kathryn. “Kasi po, ang ganda niya. At talented pa po. 'Tapos, nagiging lobo pa po,” na ang tinutukoy ay ang karakter ng aktres sa La Luna Sangre.

Sey ni Francis, “Ganu’n din po, dahil ang ganda ni Ate Kathryn, at naging idol ko po siya sa La Luna Sangre.”

Mistulang alingawngaw ang pakli ni Keifer, “Kasi po, ang ganda ni Ate Nadine.”

Inusisa ng kasamahang Leo Bukas ang tatlong bagets kung ano ang nararamdaman nila kapag tinutukso sila na parang gay silang kumilos.

“Hindi po namin pinapansin. Pag binabasa po namin, ahhmm, parang wala lang,” seryosong sambit ni Keifer.

Bittersweet ang smile ni Mackie, “Bakit po kaya kailangan nilang gawin yon, no? Daming hate sa mundo.”

Sambot ni Francis, “May problema po kaya sila?”

Kumanta si Mackie habang natatawa, “Maalaala mo kaya...?”

Continue reading below ↓

Nagkatawanan ang tatlo.

Pagdidiin ni Mackie, “Hindi po kami apektado dahil hindi po kami talaga ganon. Bakit po kami magre-react eh hindi po kami talaga ganon? E, di wow!”

Ang first major concert ng TNT Boys ay ang Listen: The Big Shot Concert na nakatakda sa Nobyembre 30 sa Araneta Coliseum, Quezon City.

Kabilang sa guests nila sina Vice Ganda (na kung tawagin nila ay Meme Vice o Ate Vice), Jed Madela, K Brosas at kapwa performers sa Your Face Sounds Familiar Kids.

Sold out na ang mamahaling tickets (VVIP, VIP at Patron). Ang available na tickets ay sa Box (P700), Upper Box (P400) at General Admission (P200). Para sa details, tumawag sa (02) 911-5555.

NOEL FERRER: Nagbibinata na pala ang TNT Boys, at crush talaga nila ang major pinag-uusapan.
Napanood ko na sila at magaling talaga silang mag-perform.

Sana nga, mapuno nila ang Araneta Coliseum sa kanilang first major concert!

Continue reading below ↓

GORGY RULA: Mga bata pa sila. Puwede pang mabago ang mga type nila.

Mabuti na yung sa career na muna sila naka-focus. Mukhang matagalan pa yan sila magka-girlfriend, kung talagang gusto na nila.

Tingin ko sa tatlong yan, si Mackie ang mukhang maraming followers.

Nakapag-movie na kasi siya, ang Bakwit Boys, at nakapag-ikot na noong pinu-promote ang pelikula.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results