Torrid kissing scenes nina Angel Aquino at Tony Labrusca sa Glorious, umabot sa walo

by PEP Troika
Nov 16, 2018

JERRY OLEA: Walo ang Glorious kissing scenes nina Angel Aquino at Tony Labrusca.

Iyong nasa teaser ay panimulang laplapan pa lang nila.

 IMAGE Glorious (ABS-CBN)

Para sa akin, pinakamatindi ay iyong nakatihaya si Tony, at si Angel ang nagpapasasa sa katawang lupa ng binata.

Pinakaemosyunal siyempre ay iyong huli nilang pagniniig.

Continue reading below ↓

“Thank you so much sa inyong lahat for supporting us, for being so open-minded,” sambit ni Tony sa Glorious premiere nitong Nobyembre 15, Huwebes nang gabi, sa Santolan Town Plaza, San Juan City.

Ngumiti nang maluwalhati ang hottest man of the hour kay Angel at nagpasalamat sa pagtulong nito na magawa ang pelikula.

Masigabo ang palakpakan, hiyawan, at may mga sumipul-sipol pa bago magsalita si Angel.

“Sarap naman! Salamat!” bulalas ng aktres, at sinabihan ang leading man, “Salamat din, Tony, for trusting me, and for accepting this project.

“It really meant a lot to me that he said yes.”

Nagpasalamat din si Angel kina Direk Concepcion Macatuno at Sir Deo Endrinal (ng Dreamscape Digital) para sa paniniwala at pagtitiwala sa kanila ni Tony na isabuhay ang mga karakter nina Glory at Nico.

Mapapanood ang Glorious simula Nobyembre 17, Sabado, 12:01 a.m., sa iWant (digital platform ng ABS-CBN).

Continue reading below ↓
 IMAGE Noel Orsal

NOEL FERRER: Star-studded ang premiere ng Glorious na nasa dalawang theaters sa Santolan Town Plaza.

In attendance were Vice Ganda and Coco Martin (na magiliw na nagbatian), Yassi Pressman, Ryza Cenon with Cholo Barretto, Agot Isidro, Vina Morales, Rowell Santiago, at Michael de Mesa. Nandun din sina Adrian Alandy, JC Santos, Ketchup Eusebio, Nikki Valdez, Dimples Romana, at pati ang mga magulang ni Tony Labrusca. Kasama rin sina Ogie Diaz, Mark and Tanya Lapid, John Arcilla, Nikki Valdez, at marami pang iba.

Nandoon ang mga tao, kasama na rin tayo upang suportahan ang pioneering digital efforts ng Dreamscape para ipakita ang kakaibang dynamics ng May-December affair.

In fairness, I was entertained! At ang sexy talagang tingnan nina Angel Aquino at Tony Labrusca.

‘Yan ang tatak-Connie Macatuno, she makes her actors really look good and desirable!

As for the story, it was framed sa usual rom-com genre, kaya medyo kaiba siya sa mga naunang landmark cougar May-December movies, like Sinungaling Mong Puso nina Vilma Santos & Aga Muhlach, at Naglalayag nina Nora Aunor & Yul Servo.

Continue reading below ↓

GORGY RULA: Effective ang promo ng Glorious dahil talagang pinag-usapan ito. Maganda ang trailer kaya umani ng milyun-milyong views.

Pinag-usapan ito pati sa ilang mga non-showbiz na programa, na sabi nga ni Sam YG, kung nag-file lang ng candidacy si Angel Aquino, tiyak na susuportahan nila sa darating na eleksyon.

Kaya na-achieve ng ABS-CBN ang gusto nilang palakasin itong digital platform nilang iWant TV.

Ang pagkakaalam ko, sarado na ang ABS-CBN Mobile, kaya focused sila rito sa Iwant TV.

Magandang fallback daw ito kung sakaling totohanin ni Pangulong Duterte na hindi i-renew ang franchise ng ABS-CBN.

Kaya abangan ang mga kasunod pang digital movies nilang mapangahas na hindi napapanood sa TV at sa mga pelikula ng Star Cinema, na dumadaan pa sa MTRCB.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results