Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Marian Rivera, gustong maka-tatlong anak sila ni Dingdong Dantes

by PEP Troika
Nov 16, 2018

GORGY RULA: Ayaw ni Zia Dantes ng party sa kanyang third birthday. Trip to Disneyland ang type niya.

 IMAGE Noel Orsal / Gorgy Rula

Kuwento ni Marian sa launching ng Kultura x Marian Rivera, “Tinanong ko yung anak ko.

“Sabi ko, ‘Anak, ano bang gusto mo sa birthday mo? Gusto mo ba celebration na kasama yung classmates mo, yung mga kaibigan mo?’

Continue reading below ↓

“Sabi niya, ‘No, Mama, I just want to go to Disneyland.’

“Sabi ko, ‘Sure ka, anak? Ayaw mo magsuot ng princess, tapos may party ka, may mga games?’

"Sabi niya, ‘No, Mama, I just want to go to Disneyland.’

Continue reading below ↓
Recommended Videos

“Gusto niya makakita ng mga mascot na iba-ibang characters, e.”

Kaya nakatakda silang lumipad pa-Japan bago ng birthday ni Zia sa November 23, para ma-experience ng kanilang anak ang Disneyland.

First time daw kasi ni Zia na mag-Disneyland.

Pero hindi sila magtatagal doon dahil sa regular taping ni Dingdong sa GMA primetime series na Cain at Abel.

Napangiti na lang si Marian nang kinulit ulit namin tungkol sa gender ng magiging baby nila.

Sabi raw ni Dingdong, bago ng birthday ni Zia, ia-announce nila kung boy o girl ang ipinagbubuntis ni Marian ngayon.

Pero alam niyo bang kahit ipinagbubuntis pa lang niya ang second baby nila ni Dingdong, nagwi-wish na si Marian na masundan ito agad?

Continue reading below ↓

Kagaya nitong pangalawang ipinagbubuntis, talagang hiniling ito ni Marian sa Diyos.

Kaya hinihiling niya ulit na makatatlo o apat na anak sila ni Dingdong.

Sabi ni Marian, “Ideal kasi is three talaga. Pero kung mabigyan ng four, why not?

“Ang lungkot naman kung tatlo lang kami sa bahay o apat lang kami." 

Ito palang Kultura x Marian Rivera na ini-endorse ni Marian, ini-launch na sa publiko ang bagong line ng mga alahas na tinawag nilang Timeless Pearls, na si Marian mismo ang nag-design.

Affordable daw ang presyo ng mga ito.

 IMAGE Gorgy Rula
Continue reading below ↓

JERRY OLEA: The more, the merrier.

Financially, kaya nina Dingdong at Marian suportahan ang mga pangangailangan kahit na isang dosena pa ang maging anak nila.

Pero siyempre, mas mabuti kung masusubaybayan talaga nila at mapag-uukulan ng panahon ang paglaki ng kanilang mga supling.

NOEL FERRER: Ganyan talaga ang mga magulang—ibibigay ang lahat para sa anak.

So, happy birthday, Ate Zia.

Soon, magkaka-brother (wishful thinking na baby brother nga) ka na.

Ingat din kay preggy Mommy Marian, para hindi maging strenuous ang kanyang biyahe.

Relax-relax lang ang Dantes family na hahanap talaga ng time para makapag-bonding!

View this post on Instagram

O well this time we are joining the other side! �??? #TeamDantes #Halloween2018

A post shared by Marian Rivera Gracia Dantes (@marianrivera) on

Read Next
Read More Stories About
pep troika, PEPalerts
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results