Preggy LJ Reyes, may ritwal para sa development ng baby nila ni Paolo Contis

by PEP Troika
Nov 16, 2018

GORGY RULA: Nagugulat si Paolo Contis sa mga hi-tech device na ginagamit ng partner na si LJ Reyes ngayong nagdadalantao ito.

Saradong 30 weeks na ang ipinagbubuntis ni LJ, at araw-araw ay mayroon itong ipinaparinig sa kanilang magiging baby para maging kalmado ito.

 IMAGE @paolo_contis Instagram

Dati kasi, noong ipinagbubuntis ni LJ si Aki, pinaparinig lang niya ito ng mga classical music.

Continue reading below ↓

Pero itong ipinagbubuntis ngayon ni LJ, may binili siyang parang may kakaibang tunog na naririnig ng baby sa sinapupunan ng Kapuso actress.

Sabi ni Paolo sa mga ritual ni LJ, "Parang tambol lang naman. Sana, ako na lang nagtambol, napakamahal kasi nung binili niya."

Nakausap namin si Paolo nitong November 15, Huwebes, sa block screening ng pelikula niyang Through Night and Day sa SM Megamall.

Kasama ni Paolo si LJ, na siyang nagpaliwanag tungkol sa kanyang pagbubuntis.

Ani LJ, “Ayoko lang sabihin yung brand, pero parang music na lesson for the baby na habang nasa tiyan pa lang, puwede mo nang iparinig.

“Ito, device siya na ikakabit mo lang sa belly, 'tapos you do it twice a day.

“Sabi nila, nagiging calm yung bata paglabas dahil sa help ng music na yun.

“Gusto ko i-try ito, kasi every year, may nag-i-improve sa technology na gusto ko lang i-try.”

Suportado ni LJ ang pelikulang Through Night and Day na pinagbibidahan nina Paolo at Alessandra de Rossi, na showing pa rin sa mga sinehan.

Continue reading below ↓

Si LJ ang nag-sponsor ng block screening.

Bilib na bilib si LJ kay Paolo, pati sa pelikula.

JERRY OLEA: Harinawang huwag agad mawala sa mga sinehan ang Through Night and Day, na positibo ang feedback mula sa mga kakilala kong nakapanood.

Matindi kasi ang foreign movie na katapat nito, ang Fantastic Beasts: The Crimes of Grindelwald.

Sanib-puwersa rito sina Newt Scamander (Eddie Redmayne) at Albus Dumbledore (Jude Law) sa pakikipagtunggali sa dark wizard na si Gellert Grindelwald (Johnny Depp).

NOEL FERRER: Sana, with the payday weekend at ang pagkubra ng mga manggagawang Pilipino ng kanilang 13th month pay at bonuses, e, dumami ang mga tao sa sinehan para panoorin ang pelikula nina Paolo at Alessandra.

Next week naman ang showing ng isa pang magandang pelikulang iniyakan natin, Tito Gorgy—ang Hintayan Ng Langit nina Eddie Garcia at Gina Pareño.

Sana, huwag silang maging luhaan sa box office.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results