Makaagapay kaya ang GMA-7 sa ABS-CBN pagdating sa media streaming market?

by PEP Troika
Nov 17, 2018

JERRY OLEA: Patikim pa lang ang digital movie na Glorious (pinagbibidahan nina Angel Aquino at Tony Labrusca) na mapapanood umpisa Nobyembre 17, Sabado, 12:01 AM sa iWant (bagong streaming service ng ABS-CBN) at TFC Online.

Ayon kay Deo Endrinal (ng Dreamscape Original), sunud-sunod na magpe-premiere sa iWant ang pito pang digital movies:

VIDEO: Jerry Olea

Jhon en Martian — Intergalactic love story ng isang tao (Pepe Herrera) at isang alien (Arci Muñoz). Meron silang laplapan, pero hindi iyon Glorious level.

Comedy ito na medyo bastos pero heartwarming. Suporta si Rufa Mae Quinto sa intergalactic hugot story, sa direksyon ni Victor Villanueva.

Project Feb 14 — Interesting pero medyo controversial at medyo mapangahas kaya natakot ang mga naunang producers na nilapitan ni Direk Jason Paul Laxamana.

Sa istorya, dalawang kabataan (McCoy de Leon at Jane Oineza) ang nagplanong mag-suicide, at nag-volunteer ang isang tao (JC Santos) na i-document ang kanilang journey patungo sa kamatayan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Apple of My Eye — Konsepto at istorya ni Bela Padilla. Pa-cute at very relatable. Tungkol ito sa isang millennial na sobrang techie, at na-meet ang isang person na old school.

Bida sina Marco Gumabao at Krystal Reyes, sa direksyon ni James Robin Mayo.

Ang Babae sa Septic Tank 3 — Digital series composed of 7 episodes, kung saan si Eugene Domingo ang nagdidirek sa series.

May pa-hashtag ito na #TheRealUntoldStoryOfJosephineBracken. Hindi pa napa-finalize kung sino ang Jose Rizal dito.

Nasa cast sina Mylene Dizon at Direk Joey Reyes, sa direksyon ni Marlon Rivera.

ATTY — Originally titled Atorni, ginawang ATTY para mas millennial.

Conceptualized more than 20 years ago by the late Amado Lacuesta.

Bida sina JC de Vera, Ritz Azul at Kit Tompson, sa direksyon ni King Palisoc.

Bagman — Offbeat crime drama thriller, bida sina Arjo Atayde, Raymond Bagatsing, at Allan Paule, sa direksyon ni Shugo Praico.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang konsepto, “Where there’s corruption, there’s a bagman lurking in the shadows...”

Commuters (featuring Dalawang Sunduan) — Omnibus short films tungkol sa pang-araw-araw na buhay ng commuters, sa direksyon ni Chad Vidanes.

 IMAGE Screenshot of iWant YouTube Channel

NOEL FERRER: Sa Dreamscape unit pa lang yang line up na yan ng iWant app, ha!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Meron pang iba, like yung Spirits Awakened at pati yung Take Life na military-serye ay pang-digital pero sa laki ng budget e baka pang-free mainstream TV na yan.

Sana, makaagapay ang GMA-7 sa bagong development na ito sa content creation.

Alam ko na nagsimula na sila ng YouTube shows na ang minimum target ay 30K hits weekly.

Medyo hindi pa kasintunog ang kanilang outputs, at pinaaaral pa ng mga boss kung paano sila makakabenta pa and have good revenues.

Sana, dumating ang panahon na pagandahan pa rin ng content sa digital streaming, hindi lang kung sino ang sikat at may hype.

Also, ibang usapin pa ang MTRCB (Movie and Television Review and Classification Board) regulation ah. Dahil nung huling kausap ko kay MTRCB Chair Rachel Arenas, they shall look into the jurisdiction of the MTRCB in all “media.”

 IMAGE Jerry Olea
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JERRY OLEA: Mudbound, ang American period drama film ay ipinalabas noong Nobyembre 17, 2017 sa Netflix at piling sinehan sa North Amerika.

Nagkamit ito ng apat na nominasyon sa 90th Academy Awards (Oscars).

Naniniwala ako na darating ang panahon na may mga pelikulang Pinoy na ii-stream sa iWant app at ipapalabas sa mga sinehan sa kaparehong araw.

Itong Glorious nina Angel at Tony e commercial enough para mag-theatrical release.

Malaking bagay na ito ang nag-herald sa bagong digital platform ng Kapamilya Network.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results