Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Christian Bautista at Kat Ramnani, may wedding party sa Pinas on December 2

by PEP Troika
Nov 17, 2018

NOEL FERRER: Ngayong Sabado, Nobyembre 17, magpapalitan ng marriage vows sina Christian Bautista at Kat Ramnani sa Bali, Indonesia.

 IMAGE Pat Dy on Instagram

Pamilya, mga piling kamag-anak at kaibigan ang naroon para saksihan ang kanilang pag-iisang dibdib.

Sa pre-wedding dinner kagabi ay namataan ang managers ni Christian sa Stages na sina Audie Gemora at Carlo Orosa, with co-talent Sam Concepcion at mga kaibigang sina Cris Villonco at Erik Santos.

Continue reading below ↓

Pagkatapos ng seremonya ngayon ng bandang dinner time ay magkakaroon din ng wedding party sa Pilipinas na gaganapin sa December 2 sa Manila Hotel.

Dito mas makakadalo ang kanilang godparents at iba pang mga kaibigan.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Para kina Christian at Kat, best wishes and congratulations!

JERRY OLEA: May “very special Kapamilya wedding” sa bagong yugto ng ASAP bukas sa ABS-CBN.

Pero siyempre, focus muna tayo sa “very special Kapuso wedding” nina Christian at Kat.

Cheers! Humayo kayo at magparami!

GORGY RULA: Noong huling nakatsikahan namin si Christian, may pinaghahandaan na silang bahay.

Gusto sana nila na maayos na ang bahay bago sila magka-baby.

Kung si Christian ang masusunod, gustong i-enjoy muna nila ni Kat ang kanilang pagsasama bago dumating ang kanilang mga supling.

Read Next
Read More Stories About
Bali Indonesia
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results