Matulungan din kaya ng Ang Probinsyano ang pagbabalik ni Maye Tongco?

by PEP Troika
Nov 18, 2018

JERRY OLEA: Remember Maye Tongco?

Nagbida siya sa sexy movies na gaya ng Malagkit (2003), Katas (2003), Alipin (2003), Krisanta, Iba Ka (2004) at Mga Kalapati Sa Gabi (2005).

 IMAGE Screenshot of VCD sleeve

Taong 2007 nang mag-inactive si Maye sa pag-aartista. Natunton namin siya sa Facebook post ng kaibigang Leklek Tumalad nitong Nobyembre 17, hapon ng Sabado.

Continue reading below ↓

Agad-agad ay nagkakumustahan kami sa Facebook messenger.

Continue reading below ↓
Recommended Videos
 IMAGE Maye Tongco's Facebook page

“OK naman po ako. Mabait po ang napangasawa ko, si Dax Ypon, na isang businessman. Five years old na po ang anak namin na si Derrell Dean,” kuwento ni Maye.

“Dito po kami nakatira sa Lapu-lapu City. May konti po kaming negosyo, sapatos. May mga lupa rin po kaming nabili na ibinebenta namin.”

Continue reading below ↓

Paano sila nagkakilala ng kanyang asawa?

“Taga-Cebu po kasi ako,” tugon ni Maye. “Kapag wala po akong trabaho, umuuwi po ako ng Cebu.”

Mutual friend nila ang tulay kaya nagkakilala sila. Noong 2007 sila nagpakasal.

Proud mommy si Maye sa anak na mahilig sa golf at sumasali sa mga junior tournament.

Nami-miss ni Maye ang pag-aartista. OK sa kanya ang kahit anong role. Suportado ng kanyang mister ang pagnanais niyang magbalik-showbiz.

Sa kabila ng isyu sa teleseryeng FPJ’s Ang Probinsyano, bet ni Maye na makapag-guest dito.

Aniya, “Gustung-gusto ko po yan, sobra! Ang dami po kasing mga beterano na artista na nandiyan.

“At siyempre po, dahil sa bida na si Coco Martin. Gwapo na, mabait pa! Sobrang dami niyang natulungan na artista.

“Proud ako kay Coco. Magaling talaga siya!”

Continue reading below ↓
 IMAGE Maye Tongco's Facebook page

NOEL FERRER: Welcome back, Maye Tongco!

For a change, bakit hindi kaya sabihin ng mga gustong mag-comeback na gusto nilang mag-guest sa Cain at Abel?

Tingnan natin kung katulad nina Whitney Tyson, Mystica at boyfriend, CJ Ramos, at iba pa e mapagbibigyan din sila.

GORGY RULA: Kilala kaya ng mga taga-Ang Probinsyano si Maye Tongco?

Saka, tila masaya naman si Maye sa buhay niya ngayon.

Gusto kaya niya talagang bumalik sa pag-aartista?

Kapag bumalik siya, mauungkat na naman ang isyu ng manager niyang si Bong Tongco na nakulong noon, na ewan kung nakalaya na o nagtatrabaho na sa kulungan?

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results