Kim Chiu bathtub scene sa One Great Love, bonggacious!

JERRY OLEA: Bonggacious ang pa-bathtub ni Kim Chiu sa One Great Love, na official entry ng Regal Films sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2018.

“Naku po! Kakaiba po ‘tong pelikulang ito!” nakangiting bulalas ni Kim nitong Nobyembre 17, Sabado ng gabi sa Jesse M. Robredo Coliseum, Naga City, Camarines Sur.

“Merry Christmas, 'ika nga! Merry Christmas! Sobrang iba!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ahmm, for how many years na gumagawa ako ng movies, ito na yung pinakalumabas ako sa comfort zone ko.

“And I want something new to offer sa lahat ng sumusuporta sa akin.”

Kumustang katrabaho sina Dennis Trillo at JC de Vera?

“Sobrang bait nilang dalawa. Sobra silang gentleman,” tugon ni Kim.

“Magkaibang klase ng pagka-gentleman pero... first time ko kasing makatrabaho silang dalawa. So, ano... refreshing, bago.

“Pag pinapanood ko yung monitor, 'tapos, parang naninibago ako sa sarili ko. So, yun.”

Para kay Kim, memorable ang lahat ng eksena niya sa One Great Love, na idinirek ni Eric Quizon.

“Siguro, bagong Kim... bagong Kim Chiu ang mapapanood nila. Kasi, alam kong mahigpit ang labanan sa ngayong darating na Pasko.

“So, yun yung pinanlaban ko. So, sana, magustuhan ng mga tao.”

NOEL FERRER: Speaking of bagong Kim Chiu, may pasabog din siyang performance sa Maalaala Mo Kaya (MMK) na ipalalabas this coming Saturday.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May pagka-horror ito at tungkol sa exorcism.

Makakasama niya rito ang dati niyang MMK partner na talent natin na si Edgar Allan Guzman, na ito ang pam-birthday presentation sa fans.

Tulad ng pelikulang One Great Love, aabangan natin itong espesyal na MMK episode na ito.

GORGY RULA: Napakarelihiyosa pala ni Kim Chiu.

Lahat daw na mga lugar na pinuntahan niya, kailangan niyang magsimba.

Kaya hiniling niya na magsimba sa Basilica ng Our Lady of Peñafrancia na tinatawag ng mga taga-Camsur na si ‘Ina.’

Nabigyan ng pagkakataong makapasok si Kim sa lugar na pinagtaguan ng original na si ‘Ina’ na 307 years old.

Bawal daw kumuha ng litrato roon kaya panakaw naming kinunan ang kuha ni Kim na taimtim na nagdarasal.

Ang tagal niyang nagdasal at isa sa hiniling niya kay ‘Ina’ ay maganda ang kalalabasan ng MMFF entry niyang One Great Love.

“First time ko kasi pumasok doon sa pinakaloob.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pinagdasal ko na sana, maraming manood ng One Great Love.

“Regalo na ng Peñafrancia sa akin na sana, mapanood at suportahan ang movie ko,” nakangiting pahayag ni Kim.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close