JERRY OLEA: “Family is Love” ang Christmas Station ID 2018 ng Kapamilya Network, na inilunsad sa ASAP Natin ‘To nitong Nobyembre 18, Linggo.
Ang pasimuno sa pag-awit ay si Vice Ganda, at sumunod agad-agad ang TNT Boys.
May moment si Regine Velasquez. Angat sa iba ang pagbirit.
Tumatak sa akin ang pagtatabi nina Coco Martin at Piolo Pascual, na kapagkuwan ay mahigpit na nagyakapan.

Nagbeso-beso at nagyakapan sina Vice at Coco. Nakatabi ni Vice si Regine.
Kasama sa sandamukal na bituin ng Xmas station ID na ito si Ronaldo Valdez, ang patriarch sa teleseryeng Los Bastardos.
Waley ang anak ni Ronaldo na si Janno Gibbs.
Ipinost ni Janno sa Instagram ang litrato ng pagpirma niya ng kontrata sa Star Music, at ang kanyang hanash, “Throwback to Sept 12 this year when I signed with @starmusicph. Naalala ko lang. Sila yata, di ako naalala.”
Maliban sa emojis, may kaakibat iyong hashtags na kesyo “Huwag ninyo akong hanapin sa station ID” at “ASAP Nila ‘Yan.”
NOEL FERRER: Kung paramihan ng kilalang artista, namumutiktik talaga ang mga bituin sa ABS-CBN Station ID.
Pero hindi lang si Janno Gibbs ang wala.
Pati ang matagal nang mga Kapamilya like Judy Ann Santos, Sharon Cuneta, at kahit nga si Julia Montes ay wala rin, ha?!
Sila pa na nagbibida sa kani-kanyang programa.
Nangyayari yun!
Hindi ko alam kung saan hahantong ang saloobin ni Janno na ganito.
Ang Christmas Station IDs ay wala sa paramihan ng stars kundi sa relevance nito sa panahon ngayon.
Based on the Station IDs, what do the networks stand for—in the NOW?
GORGY RULA: Love ang mensahe ng Christmas Station ID nila.
Kaya pag-ibig na lang ang pairalin, huwag na samaan ng loob.
Saka hindi kailangang makasali sa station ID. Mas mabuting mapabilang ka muna sa isang magandang show.
Magkakaroon ka ng magandang ID sa show na yun.