JERRY OLEA: Hindi conscious si Dingdong Dantes sa billing.
Sa naunang poster and promo materials ng Kapuso teleseryeng Cain at Abel, nauna ang mukha at pangalan ni Dingdong kesa sa co-star na si Dennis Trillo.

May “and” between their names.
Sa latest promo materials, una na ang mukha at pangalan ni Dennis kay Dingdong.
May ampersand (&) sa pagitan ng pangalan ng Kapuso Drama King at Kapuso Primetime King.

Bukas (Lunes, Nobyembre 19, 7:45 PM) mag-uumpisa sa GMA-7 ang teleserye ... nila.
Sa poster ng MMFF 2018 entry ni Vice Ganda na Fantastica, nauna kay Dingdong ang pangalan ni Richard Gutierrez.
May “and” sa pagitan ng kanilang mga pangalan.
Sa akting na lang magkakasubukan!

GORGY RULA: Wala pa akong nakausap sa mga taga-Cain at Abel pero tingin ko riyan, binalanse lang nila ang layout ng poster.
Noong November 13 (Tuesday) mediacon nito, nauna ang pangalan ni Dingdong at may “and” bago ang pangalan ni Dennis.
Simula noong November 16, Friday, bagong layout ng poster ang inilabas na nauna naman ang pangalan ni Dennis at may ‘&’ bago ang pangalan ni Dingdong.
Totoo, Sir Noel, mas mahalaga kung magaling ka sa isang proyekto dahil mas mapapansin yun kesa kung saan nakapuwesto ang pangalan mo.
Pero mahirap bumuo ng isang pangalan at kailangang mapangalagaan mo yan.
May karapatan si Dingdong na ilagay sa tamang lugar ang kanyang pangalan.
Gusto ko na rin pong linawin na hindi Cain at Abel ang pangalan ng mga karakter dito nina Dingdong at Dennis.
Si Daniel si Dingdong, at si Miguel naman si Dennis, pero parang kuwento nina Cain at Abel sa Bibliya ang takbo ng istorya nito.
Inaasahang lilikha ng ingay itong bagong drama series ng GMA Telebabad na mag-uumpisa bukas, pagkatapos ng 24 Oras.
Wala raw sa isip nila na makipagkumpetensya sa katapat na teleserye.
“Wala naman kami dito para makipagkumpetensya kanino man, at mahalaga sa akin, at naniniwala naman ako, may kanya-kanyang gusto at panlasa ang audience, e.
“Hangga’t maaari ay ibibigay namin sa kanila ang gusto nila.
“We’re not here to compete with anybody, lalung-lalo na siguro yung sinasabi ninyo is in a league of its own already and we all know that.
“Masaya rin kami para sa kanila, dahil bihira naman na magkaroon ng pagkakataon na tumagal, di ba?
“Everybody happy, di ba?” saad ni Dingdong.
NOEL FERRER: Bravo, Dingdong!
Mas malawak na marahil ang pang-unawa ni Dingdong sa billing issues.
Walang ipinagkaiba sa kanya ang alaga nating si Joross Gamboa na ganyan din ang sinapit sa pelikula nila ni Nathalie Hart sa Regal, and with JC de Vera sa Star Cinema.
Kahit na sobra ang hirap ni Joross sa pelikulang Three Words To Forever na nilagare niya along with the taping for FPJ’s Ang Probinsyano, in-enjoy na lang niya ang magandang samahan ng grupo at ang pinahabang role niya.
Pero... nakita ninyo man lang ba siya sa poster o sa trailer nang mas markado? OK lang!
Dahil kapag napanood ninyo siya sa pelikula—at kahit tanungin pa ninyo ang mga nakasama niya sa shooting—kakaibang makasama at makatrabaho si Joross.
Kaya lucky charm ang turing sa kanya ng kahit na anong produksyon!
Saludo tayo sa mga tulad nina Dingdong at Joross!