Direk Concepcion Macatuno, nanlumo sa pamimirata agad sa Glorious

by PEP Troika
Nov 19, 2018

JERRY OLEA: “Wow na wow. Kalungkot ah.”

Ramdam ko ang lumbay at panlulumo ni Direk Concepcion Macatuno sa one line niyang iyan sa Facebook nitong Nobyembre 18, Linggo ng gabi, kaugnay sa pamimirata agad-agad sa digital movie niyang Glorious na pinagbidahan nina Angel Aquino at Tony Labrusca.

Kumalat sa socmed ang kopya ng Glorious (na putol ang ending, waley ang epilogue) na nag-umpisa ang streaming nitong Nobyembre 17, Sabado ng 12:01 a.m., sa iWant app at TFC Online.

Continue reading below ↓

Kaakibat ng one line ni Direk Concepcion ang apila ng FB page na Glorious The Movie:

“...wag ninyong nakawin ang pagkakataon para sa karamihan. Ibinigay na po ito ng libre at gamitin sa tamang platform.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

“Pls respect naman po sa pag-aari at pinaghirapan ng buong GLORIOUS team, sa ABSCBN, sa IWANT, at sa Dreamscape Digital.

“If you know these people, at iba pa na namimirata sa pelikulang ito, na nagpapasa sa mga messenger groups ninyo, pls link them to us.”

Continue reading below ↓

NOEL FERRER: Talaga? Well, ayan na ang hazards ng trade. May piracy na rin sa digital.

Paano kaya ito masasawata? Muli, blatant itong pagnanakaw.

Pero nang pasukin ng ABS-CBN itong platform na ito, alam siguro nila kung paano ito ika-counter?

Kumusta iyong ibang bagong titles na palabas na rin sa iWant, pinirata na rin ba? O tanging Glorious lang ang pinuntirya?

Sayang naman!

GORGY RULA: Bilang ambassador ng Optical Media Board ang Kapamilyang si Piolo Pascual, baka may magagawa siya para makontrol itong pamimirata ng Glorious.

Suporta na lang niya ito sa pagsisimula ng iWant app.

Ang dami nang curious kung paano mapanood itong pelikulang Glorious sa iWant at TFC Online.

Tinanong ako ni Lorna Tolentino kung paano mapanood ito sa digital.

Maaaring curious lang siya kung gaano ka-daring dito si Angel Aquino.

Hindi na ito kayang gawin ni LT, at lalo namang ma-in love sa isang mas batang lalaki.

Continue reading below ↓

Naalala pa namin na sinabihan siya ni Kuya Rudy Fernandez bago ito pumanaw na okay lang kung ma-in love uli si LT, pero huwag sana sa halos kaedad ng mga anak nilang sina Ralph at Renz Fernandez.

Sabi ni Lorna, malabong mangyari sa kanya ang magpaka-Glorious.

“Too old na. Iba na pag lola,” text ni Lorna sa PEP Troika.

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results