Dating Anime member Oliver Aquino, gaganap na sex worker sa Jino to Mari

by PEP Troika
Nov 19, 2018

JERRY OLEA: Pasiklab ang poster at teaser ng bagong obra ni Direktor Joselito O. Altarejos, na pinost sa Facebook at YouTube nitong Nobyembre 18, Linggo.

Jino to Mari (Gino and Marie) ang title ng movie, na ang blurb sa FB page nito ay...

“Two sex workers, Gino and Marie, are hired to do a porno film.

“During the shooting, they are forced to do acts that have not been agreed upon.

“What fate awaits these souls on All Saints Day?”

Sa trailer, pinagsabihan ng Japanese videographer ang dalawang karakter na nagtatalik.

Ang English subtitle, “Swallow it. Swallow.”

Bahagi ng paglalarawan sa YouTube, “Jino to MarÄ« is a morality tale set in an act judged by society as immoral.

“It posits the question: When you take away one's respect and dignity, what is then left of that person?”

2019 pupulandit ang katas ng pelikula na nagtatampok kina Oliver Aquino (bilang 17-anyos na si Gino) at Angela Cortez (bilang batang ina).

Kabilang sa mga obra ni Direktor Joselito O. Altarejos ang Ang Lalake sa Parola (2007), Ang Lihim ni Antonio (2008), Kasal (2014), Unfriend (2014), at Tale of the Lost Boys (2018).

NOEL FERRER: Isa ako sa naniniwalang mahusay na aktor si Oliver Aquino—noon pa mang nasa reality show siya sa ABS-CBN hanggang sa nag-transition na mag-indie sa Kasal, at nagsunud-sunod na sa mga obra ni Direk Jay Alterejos.

Siya nga yata ang muse ni Direk!

Oh, well... sana, makabalik siya sa mainstream assignments.

Sa grupong Anime, maliban kay John Wayne Sace (na medyo napariwara noon), si Oliver (na dating Mhyco) ang sinasabi na major na may ibubuga sa aktingan.

Let’s see kung uubra ang pasabog niya sa proyektong ito.

GORGY RULA: Hindi nauubusan si Direk Jay Altarejos ng mga mapangahas na tema sa pelikula.

Mabuti na lang at hindi rin siya nauubusan ng puhunan para maisapelikula ang mga magaganda niyang ideya.

Sana, mabigyan siya uli ng isa pang pagkakataong makadirek ng drama series.

Puwede na po ba siya sa GMA-7 uli?

Kailangan ng mga bagong ideya para makabuo ng kakaibang drama series.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results