BoybandPH members, hindi naiinggit sa tagumpay ni Tony Labrusca

by PEP Troika
Nov 19, 2018

JERRY OLEA: Nahilo si Niel Morillo matapos ang performance ng grupo nilang BoybandPH sa launching ng Aki Kan Camarines Sur nitong Nobyembre 17, Sabado.

Ginanap ang event sa Jesse M. Robredo Coliseum, Naga City.

Ang BoybandPH ay ang all-male singing group na kinabibilangan nina Niel, Tristan Ramirez, Ford Valencia, Russell Reyes, at Joao Constancia.

Continue reading below ↓
PHOTO Jerry Olea
 

Tagaktak ang pawis nila, ganadong-ganado sa mainit na pagtanggap ng mga kabataan na hindi magkamayaw sa paghiyaw.

Meron pang isang baklitang sumampa sa stage at pinupog ng halik ang BoybandPH.

“Sobrang masaya po! Sobrang mainit po ‘yung pagtanggap nila sa amin!” bulalas ni Tristan nang makatsikahan namin backstage habang nagpapahinga sina Niel, Ford, Joao, at Russell.

“So, nakakatuwa po ‘yon sa amin dahil ramdam namin ‘yung pagmamahal nila, ‘yung suporta nila sa amin.”

Continue reading below ↓
Tristan Ramirez
PHOTO Jerry Olea

Kahit may anim na marshal na tagabantay, e, hindi nagpaawat sa panggigigil ang fans kaya halos mahimatay si Niel.

“Minsan po talaga, pag biglaan po ‘yung ginagawa namin, saka kapag nagkakasiksikan po, parang nahihirapan po si Niel,” sabi ni Tristan.

Syempre, nakukumpara sila kay Tony Labrusca, na ligwak ganern sa BoybandPH pero umaariba ang acting career, at usap-usapan sa digital movie na Glorious, katambal si Angel Aquino.

“OK lang po. Unang-una po, pursigido po talaga si Tony sa lahat ng ginagawa niya,” matamang pahayag ni Tristan.

“Iba naman po ‘yung tinatahak naming career po. Kami po, boyband, kumakanta, nagpe-perform, nagpapasaya po ng bawat tao.

“So, sa kanya po, sobrang nakakatuwa po na makita siya na pareho kaming naggu-grow...

“Parehas pa rin po kami ng tingin. Magkakaibigan pa rin po.

“So, ‘yun po, masaya po kami para sa kanya.”

Kasamahan ng limang miyembro ng BoybandPH noon si Tony sa Pinoy Boyband Superstar, ang 2016 reality-singing competition sa ABS-CBN.   

Continue reading below ↓

Nakaabot sa semi-finals si Tony pero hindi pinalad na mapabilang sa final five na naging miyembro ng BoybandPH.

PHOTO Jerry Olea

GORGY RULA: Suportado ng BoybandPH ang digital movie ni Tony Labrusca.

Kung wala lang silang raket noon out of town, dadalo pa sana sila sa Glorious screening noong Nobyembre 15, Huwebes, sa Santolan Town Plaza, San Juan City.

Continue reading below ↓

Pero sa totoo lang, ang TF ni Tony sa out-of-town shows ay halos kapareho lang sa buong grupo ng BoybandPH.

Pero masaya ang mga bata sa kanilang trabaho dahil nakikita nilang napapasaya nila nang husto ang fans nila.

Tuwang-tuwa sila noong nag-perform sila sa CamSur dahil first time lang nila doon, napakainit na ng pagtanggap sa kanila.

Wish nilang makapag-show sa isang malaking event.

Ang show nila noon ay sa isang studio lang sa ABS-CBN.

Mas bongga siguro kung magka-back-to-back sila ng Hashtags, di ba?

JERRY OLEA: Mangiyak-ngiyak sina Elizabeth Gutierrez, Maricris Godoy at Alexandra Burgos nang dumalo sa launching ng Aki Kan Camarines Sur.

Galing sila sa bayan ng Calabanga, kung saan ang biyahe nila ay humigit-kumulang isang oras at kalahati papunta sa Naga City.

Napapuwesto sila sa dulo ng JMR Coliseum. Bahagya na lang nilang mabanaag ang mukha ng idols nilang BoybandPH.

Pumuslit sila sa backstage at nagsumbong kay Ma’am Marissa Andaya.

Continue reading below ↓

Sinamahan ni Ma’am Marissa ang tatlong dalagita para magpa-picture kay Cong. Nonoy Andaya.

Naawa si Tito Gorgy sa tatlo. Isinama ang mga ito sa Avenue Plaza Hotel para makapagpalitrato sa BoybandPH.

Tili nang tili ang Calabanga Girls sa pasilyo ng hotel nang magiliw silang pakiharapan ng BoybandPH na bagong paligo at ambabango.

Hindi sila makapaniwala. Pinisil-pisil pa nila ang BoybandPH members para masiguradong hindi sila nananaginip lang.

Continue reading below ↓
PHOTO Jerry Olea
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results