Kim Chiu, itinangging pampromo ang pag-amin sa relasyon nila ni Xian Lim

by PEP Troika
Nov 19, 2018

JERRY OLEA: Sipag-sipagan pa rin ang bashers and haters kay Kim Chiu.

Kesyo inamin ng aktres ang kanyang “one great love” na si Xian Lim kung kailan may movie siya.

 IMAGE Noel Orsal

“Hindi naman!” mabining sansala ni Kim nang mainterbyu namin last Saturday, November 17 sa backstage ng JMR Coliseum, Naga City, matapos ang performance niya sa grand launching ng Aki Kan Camarines Sur.

Continue reading below ↓

“Hindi ko rin naman sinabi kung sino yung one great love ko, e. Hindi naman! Hindi naman!”
Ohhhh...

“Si Tito Boy [Abunda] kasi yun, e. So, parang... saka medyo may edad na naman ako.

"Wow! 47 na naman ako, hindi! Joke lang! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!

“I think, ano na rin... halata na rin naman ng mga tao. So, ganun! So, exciting!”

Siyempre pa, wish ni Kim na kabilang sa mga unang panonoorin ng moviegoers sa MMFF 2018 ang movie nila nina Dennis Trillo at JC de Vera na One Great Love.

NOEL FERRER: The best is yet to come for Kim Chiu, I guess.

Bagamat sa totoo lang, marami rin ang umaasam na magkabalikan pa rin sila ni Gerald Anderson, ha?!

Parang kung walang social media, yung KimXi ay mananatiling pribadong tambalan na lang.

Tingnan natin how people will take Kim’s MMFF entry—medyo kailangang mabuhay ang film audience ni Kim dahil iba ang labanan ng bankability kapag MMFF.

Continue reading below ↓

Will Kim give Anne Curtis a good fight, not only in the box office but also in the best actress race?

Abangan natin!

GORGY RULA: Sa pagkaintindi ko, halata kung sino ang tinutukoy niyang “one great love.”

Ibang Kim nga raw ang mapapanood sa One Great Love, at doon magpu-focus ng promo ang Regal Entertainment.

Hindi puwedeng i-link ang Kapamilya actress kay Dennis Trillo na may Jennylyn Mercado, at happy si JC de Vera sa partner niya kasama ang kanilang anak.

Pero may kilig ang trailer, huh?!

Sinabi ko kay Kim na mukhang may chemistry sila ni Dennis at kinilig ako sa ilang eksena.

Sabi niya, “Magaling kasi si Dennis.”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results