Freddie Webb, nagkasakit matapos ang shooting ng Three Words To Forever

NOEL FERRER: Tapos na ang Ormoc leg ng shooting ng Three Words To Forever nina Sharon Cuneta at Richard Gomez with Kathryn Bernardo.

Dumiretso sila sa ASAP Natin ‘To noong Linggo, November 19, para i-promote ang pelikula nila na showing na next Wednesday, November 28.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
 IMAGE Screen cap from Star Cinema Youtube / @reallysharoncuneta Instagram

(Seen in the right photo are Richard Gomez, Kathryn Bernardo, Sharon Cuneta, Liza Lorena and Freddie Webb.)

Sa ASAP guesting na yun, binati ni Kathryn ang co-star sa pelikula na si Freddie Webb ng “Get well soon.”

Sinegundahan ito nina Shawie at Goma ng, “We are praying for you.”

Nabalitaan naming sumailalim sa isang medical procedure noong weekend si former Senator Freddie Webb.

Nabanggit ng anak niyang si Pinky Webb na, “Dad is better now! Thank you for your concern. Much appreciated [smiley emoji].”

Bago pa man bumalik sa Ormoc, tinapos na ang lahat ng eksena ni Tito Freddie sa pelikula.

May ilan pang eksenang nalalabi na isu-shoot ng main characters, pero tuloy na tuloy na ang playdate nito sa November 28. 

Nakatakda na rin ang media conference para rito sa November 22, Huwebes, 5 p.m. 

GORGY RULA: Ang narinig ko, asthmatic talaga si Sir Freddie.

Lumala lang daw dahil sa sobrang init sa pinagsyutingan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dapat daw, pagbalik niya sa Kamaynilaan, tutuloy na siya sa taping ng GMA primetime series na Victor Magtanggol.

Pero hindi na niya kinaya.

Natapos ang Victor Magtanggol noong Biyernes, November 17, nang hindi na siya nakabalik.

JERRY OLEA: Ang dating Pinoy Big Brother: 737 housemate na si Tommy Esguerra ang katambal ni Kathryn sa Three Words To Forever. 

Pero kahit hindi si Daniel Padilla ang partner ni Kathryn sa movie ay susuportahan ito ng KathNiel fans.

Nagagalit nga ang ibang avid supporters ni Kathryn dahil wala raw mall tour/show ang Three Words To Forever.

Siyempre, kasado na ang block screenings ng movie, at kabilang ang PEP Troika sa susuporta rito.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close