TNT Boys, susunod nga ba sa yapak nina Erik Santos, Jed Madela, at Mark Bautista?

TNT Boys, maabot din kaya ang tagumpay nina Erik, Jed, at Mark?
by PEP Troika
Nov 20, 2018

JERRY OLEA: Kapana-panabik ang first major concert ng TNT Boys na Listen: The Big Shot Concert, na gaganapin sa Nobyembre 30, sa Smart Araneta Coliseum.

Ang grupong TNT Boys ay binubuo nina Francis Concepcion, Mackie Empuerto, at Keifer Sanchez—finalists ng "Tawag Ng Tanghalan" singing competition ng ABS-CBN noontime show na It's Showtime.  

 IMAGE Noel Orsal
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Matinding biritan at pasabog ang ihahatid nina Mackie (taga-San Juan City), Francis (taga-Zamboanga), at Keifer (taga-Davao). 

Magkakaalaman na siguro kung sino sa kanila ang keribels na sumunod sa mga yapak nina Jed Madela, Erik Santos, at Darren Espanto.

Sumagot ang tatlo na hindi raw nila alam sa ngayon. 

Bilang paghahanda sa concert, sinabi nina Francis, Mackie, at Keifer na nagpapahinga sila ng mabuti.   

Hindi kumakanta kung hindi kailangang kumanta, para hindi magasgas ang kanilang singing voice. 

Kapag nagbilang ng 1, 2, 3... iyon na. Tikom na ang mga bibig.

Kinakabahan pa rin sila at natatakot magkamali tuwing magpe-perform.

Ang panlaban nila sa takot at kaba ay dasal. 

Meron din silang vocal coach para nasa tamang tono pa rin ang boses nila kahit sila'y magbinata na.

Pero kung tutuusin ay wala silang dapat ipangamba, dahil todo-suporta ang kanilang It's Showtime family. 

Kabilang sa celebrity guests si Vice Ganda (na tinatawag din nilang Meme Vice) at pati na rin ang TNT judges na sina Jed Madela at K Brosas (na malambot ang puso sa mga tukling).

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

NOEL FERRER: Maraming iba pang celebrity guests ang susuporta sa TNT Boys.

Pero maganda ang suggestion na huwag na si Darren—na hindi rin naman nila ka-age—ang ipangtapat sa kanila.

Mas okey na ang magkaka-batch ding sina Erik Santos, Jed Madela, at Mark Bautista ang maging counterparts nina Francis, Mackie, at Keifer.  

Pare-parehong hindi matatawaran ang kanilang galing at kabaitan!

We look forward to the TNT Boys’ concert and other possible collabs with their senior counterparts!

I-push na iyan!!!

GORGY RULA: Namamalisyahan ako sa mga komento ninyong dalawa.

Ang babata pa ng TNT boys para sa intriga.

Mas mabuting mag-focus na lang muna sa galing nila sa pagkanta at kung mapupuno ba nila ang Araneta Coliseum sa November 30.

Abangan na lang natin paglaki nila kung susunod nga ba sila sa mga yapak nina Erik, Jed, at Mark.

Kakayanin na nila by that time ang mga ganyang isyu.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results