Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Title ng pelikula nina Vic, Coco, at Maine sa MMFF 2018 promo ad, mali

by PEP Troika
Nov 21, 2018

JERRY OLEA: Naaliw ako sa ad na pam-promo para sa first 4 entries ng MMFF 2018, kung saan tampok si dating MMDA Chairman Francis Tolentino.

May cartoons!

Ang cute!

Kaya lang, lumang title ng entry nina Vic Sotto, Maine Mendoza, at Coco Martin ang ginamit... Popoy En Jack: The Puliscredibles.

Ang final title niyon ay Jack Em Popoy: The Puliscredibles. Mga pangalan iyon ng police characters nina Coco, Maine at Vic, respectively.

Continue reading below ↓

EM... hindi EN!

Sana, gumawa ang kinauukulan ng bagong bersiyon ng patalastas na kasama ang final 4 entries... at iwasto ang pamagat ng pelikula nina Coco, Maine, at Vic.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

NOEL FERRER: Naku, pina-pull out na ‘yang ad na ‘yan, Tito Jerry!

Bukod sa mali at luma ang title ay luma rin at hindi updated ang cast ng mga pelikula.

Nilinaw ng MMDA na hindi sila ang gumawa nun kundi ang dating MMDA-MMFF chair na ngayo’y tumatakbo bilang senador.

Ka-level ito ng pagbating pamasko sa dilim! Hahaha!

JERRY OLEA: Pina-pull out?! Napanood ko ang ad na iyan nitong Nobyembre 20, Martes, sa dalawang sinehan ng Cash n’ Carry.

Kahapon lang!

Ipinalabas ang ad na iyan bago ang 3:30 p.m. screening ng Fantastic Beasts: The Crimes of Grindelwald sa Cinema 1 ng Cash n’ Carry, at bago ang 6:40 p.m. screening ng Bohemian Rhapsody sa katabing sinehan.

GORGY RULA: Mas mabuting linawin kung ano ang role sa MMFF 2018 ng dating MMDA chairman at political adviser na ngayong si Francis Tolentino.

Continue reading below ↓

Baka puwede rin pong linawin kung sa kanyang budget ba o sa MMDA ang ginamit sa ad na iyon.

Hindi ako magtataka kung magiging visible si dating MMDA Chair Tolentino sa darating na MMFF.

Hay, naku! Hihingan ko na lang siya ng season pass!

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results