Meet Adela-Mae, ang first-runner up ng Asia's Next Top Model Season 6

by PEP Troika
Nov 21, 2018

JERRY OLEA: May meet-and-greet event si Adela-Mae Marshall sa Nobyembre 24, Sabado ng 1:30 p.m., sa Atrium ng SM Megamall.

The who si Adela-Mae?

 IMAGE @adelamae Instagram

Ang 21-anyos na British-Pinay ay first runner-up sa 6th season ng Asia’s Next Top Model, kung saan ang nagwagi ay si Dana Slosar ng Thailand.

Continue reading below ↓

Special guests sa event na ito sina Maureen Wroblewitz at Ambra Gutierrez, na rarampa sa fashion segment kung saan tampok ang creations nina Avel Bacudio, Neric Beltran, at OutKast.

Libre ang admission sa palabas, pero limitado ang puwesto.

Ilulunsad dito ang #beheard campaign, isang support platform para mas maging aware ang mga tao sa iba’t ibang advocacy.

Beneficiary ng programa ang CAMELEON Association Inc., isang non-governmental organization that envisions communities to become child-friendly, self-reliant, and free from forms of abuse and violence.

Layunin nitong tulungan at protektahan ang young girls na biktima ng sexual abuse.

NOEL FERRER: Suportado natin ang ganitong efforts na anti-abuse—sexual man, political, o kahit ang nangyayari ngayong economic abuse!

Ayaw ni Winnie Da Pooh yan! Chos!

JERRY OLEA: Nobyembre 23, Biyernes, ang dating ni Ambra Gutierrez sa bansa para magbigay ng suporta kay Adela-Mae at sa #beheard campaign.

Sa Nobyembre 25, Linggo, e, lilipad na si Ambra pabalik sa New York City, USA.

Continue reading below ↓

May trabaho kasi siyang natanguan doon para sa Nobyembre 26, Lunes.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results