Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Eric Nicolas, gaganap na Rico J. Puno sa concert nina Marissa at Giselle

by PEP Troika
Nov 21, 2018

JERRY OLEA: Ano ba ang maaasahan natin sa tribute show kay Rico J. Puno na Music and Laughter: Sana, Tatlo Ang Puso Ko? 

 IMAGE Noel Orsal

“Please expect to laugh and reminisce the memories of the way we were!” sabi ng daughter niyang si Tosca Puno nang maka-chat namin nitong Nobyembre 21, Miyerkules, sa pamamagitan ng Facebook Messenger.

Continue reading below ↓

Dugtong niya, “Ang sarap po ng feeling na we have the opportunity to honor our Dad and sing his songs po with dear friends of Mr. Rico J. Puno.”

Pangungunahan nina Marissa Sanchez at Giselle Sanchez ang comedy concert, na gaganapin sa Nobyembre 23, Biyernes, 8 p.m. sa The Theater ng Solaire Resort & Casino sa Parañaque City. 

Continue reading below ↓
Recommended Videos

May special participation si Tosca at ang younger brother niyang si Rox sa isang tribute segment para sa yumaong si Rico J. 

Panauhin dito ang beteranong OPM singers na sina Nonoy Zuñiga at Marco Sison at pati na rin ang mga komedyanteng sina Nanette Inventor at Eric Nicolas. 

Isa sa aabangan sa concert ang pagganap ni Eric bilang Rico J. 

Dagdag ni Tosca, “Nakakatuwa po si Eric Nicolas. He sounds like Rico J and super funny po siya!”

Continue reading below ↓

NOEL FERRER: With tribute-concerts like this, hinding-hindi mawawaglit sa ating gunita ang isang Rico J. Puno.

Sana ay suportahan ito ng mga tao sa kabila ng traffic at namumuong Christmas rush.

Sana rin ay mabigyan ng tribute si Rico J sa darating na Aliw Awards, sa December 13, dahil isa siya sa kanilang kinilalang Entertainer of the Year!

GORGY RULA: Nang huling nakausap ko si Marissa Sanchez, ubos na raw ang mamahaling tickets sa show nila.

Yung sa bandang likuran na lang daw ang natira, at inaasahan nilang maubos na ito bago dumating ang araw ng concert.

Puring-puri niya si Eric Nicolas dahil ang bilis nilang napa-oo na papalit kay Rico Puno.

Hindi na raw pinag-uusapan ang talent fee.

Ang isa pang inaabangan ay ang participation ni Matteo Guidicelli, na nangakong dadalo sa show dahil personal siyang tinawagan noon ni Rico J.

Nasa necrological service for Rico J si Matteo, at in-announce roon na kasali siya sa show.

Continue reading below ↓

Magka-career na rin kaya sa pagkanta sina Tosca at Rox?

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results